Baste Duterte, pinakita ang DILG-approved travel clearance kasabay ng boxing match
- Ipinost ni Davao City Acting Mayor Sebastian “Baste” Duterte sa kaniyang Facebook account ang kanyang travel clearance papuntang Singapore, sabay pagbati kay PNP Chief Nicolas Torre III na nanalo sa boxing match nila by default
- Hindi sumipot si Baste sa kanilang dapat na charity boxing match noong Hulyo 27 sa Rizal Memorial Coliseum, dahil lumipad siya pa-Singapore noong Hulyo 25 batay sa travel authority na pirmado ni DILG Secretary Jonvic Remulla
- Sa halip na humingi ng paumanhin o magbigay ng paliwanag, tila ipinagmalaki pa ni Baste ang kaniyang approved travel clearance at nilagyan ng caption ang post na tila may patama: “Congrats Diwata torre!”
- Dahil sa hindi pagdalo ni Baste sa laban, idineklara si Torre na panalo by default, ngunit sinabi rin niyang hindi na siya bukas sa rematch at hindi na niya bibigyan ng pansin ang isyu
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Sa halip na dumalo sa inaabangang boxing match laban kay PNP Chief Nicolas Torre III, pinili ni Davao City Acting Mayor Sebastian “Baste” Duterte na bumiyahe patungong Singapore — at ipinagmalaki pa ito sa social media. Ipinost niya ang travel clearance na pirmado ni DILG Secretary Jonvic Remulla, na nagsasaad ng kanyang pahintulot na bumiyahe mula Hulyo 25 hanggang Hulyo 29, 2025.

Source: Facebook
Kasabay ng kanyang post, may pa-caption si Duterte: “Chimps from the planet of the apes cannot comprehend. Congrats Diwata torre!” — isang tila pasaring kay Torre na nanalo sa boxing match via default.
Naudlot ang bakbakan sana nitong Hulyo 27 sa Rizal Memorial Coliseum matapos hindi sumipot si Duterte. Ayon sa mga organizer, tuloy ang event kahit absent si Duterte, at opisyal na idineklara si Torre bilang “winner by default.”
Hindi na raw interesado si Torre sa rematch. “I have a lot of work and this is not worth responding to,” ani ng PNP chief sa media interview. “As you can see, we exerted a lot of effort in this event. I don’t think he is worth responding to at this point. We should just let him be in his own world.”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa kasagsagan ng hype ng laban, una nang nagbitaw ng mga patutsada si Duterte. “Gusto mo puntahan kita, walang camera suntukan tayo walang gloves. Bakit ba kailangan mo ng ano? [gloves]. Masyado ka mang ma-showbiz,” sabi niya noon. Ngunit kamakailan ay binawi rin ito at sinabing hindi naman talaga siya ang naghamon sa laban.
Si Sebastian Duterte, bunsong anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ay kasalukuyang acting mayor ng Davao City. Kilala siya sa kanyang tahimik ngunit kontrobersyal na estilo sa politika. Minsan na rin siyang nasangkot sa mga sigalot kaugnay ng kanyang mga pahayag at galaw sa publiko.
Samantala, si PNP Chief Nicolas Torre III ay isang matapang na opisyal na kilala sa pagiging bukas sa mga pampublikong isyu ng kapulisan. Naging sentro siya ng pansin nitong mga nakaraang linggo dahil sa isyu ng boxing match at sa umano’y pagpapasama sa mga pulis sa event.
Sa naunang ulat ng KAMI, ipinahayag ni Baste na hindi siya ang naghamon kay Torre, taliwas sa mga naunang palitan ng hamon online. Ayon sa kanya, walang pormal na hamon mula sa kanya at hindi siya kailanman sumeryoso sa nasabing laban
Ayon isa pang sa ulat ng KAMI, nilinaw ni Torre na boluntaryo lamang ang pagdalo ng mga pulis sa charity event na boxing match. Ipinunto niya na hindi sapilitan ang panonood at walang nalabag na polisiya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh