Acting Mayor Baste Duterte, may banat at hamon bago ang laban kontra PNP chief

Acting Mayor Baste Duterte, may banat at hamon bago ang laban kontra PNP chief

  • Nagbitaw ng matapang na pahayag si acting Davao City Mayor Baste Duterte laban kay PNP Chief Gen. Nicolas Torre III kaugnay ng kanilang nalalapit na charity boxing match
  • Ayon kay Baste, "Matagal ko nang gustong makabugbog ng unggoy," na patutsada niya umano laban sa PNP chief
  • Bukod sa pagtanggap ng hamon, naglatag din si Baste ng kundisyon: dapat ay sumailalim sa drug testing ang lahat ng elected officials sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos
  • Aniya, papatulan niya ang laban kung ito'y makakatulong sa pagsagot sa mga isyung kinakaharap ng bansa

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Mainit na ang eksena bago pa man ang aktwal na suntukan. Sa nalalapit na charity boxing match ngayong Linggo sa pagitan ni acting Davao City Mayor Baste Duterte at PNP Chief P/Gen. Nicolas Torre III, hindi lang kamao ang pinapalakas kundi pati mga salita.

Acting Mayor Baste Duterte, may banat at hamon bago ang laban kontra PNP chief
Acting Mayor Baste Duterte, may banat at hamon bago ang laban kontra PNP chief (đź“·Sebastian "Baste" Duterte/Facebook)
Source: Facebook

Sa isang matapang at kontrobersyal na pahayag, bumanat si Baste Duterte at sinabing: “Matagal ko na talagang gustong makabugbog ng unggoy.” Bagama’t hindi direktang pinangalanan, malinaw sa konteksto na patungkol ito kay Torre, ang kaniyang magiging kalaban sa ring.

Read also

Naaagnas na bangkay ng lalaki, natagpuan sa loob ng bahay na balak sanang bilhin ng isang homebuyer

Pero hindi lang ito tungkol sa charity. Giit ni Baste, kung seryoso ang gobyerno sa paglilinis ng sistema, dapat lang na isailalim sa drug testing ang lahat ng elected officials sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. “Papalagan ko 'yang charity-charity mo na 'yan. Walang problema, if it will answer the issues nitong bansa natin. I can do that,” dagdag pa niya.

Bilang tugon, kalmado namang sinagot ni Gen. Torre ang mga banat. Sa panig niya, ang boxing match ay isang “fun and positive event” na layong makatulong sa charity at maipakita ang pagkakaisa ng pulisya at pamahalaan. Sa hiwalay na ulat, tiniyak din ng PNP chief na “12 rounds ng suntukan para maganda.”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Sebastian “Baste” Duterte ay bunsong anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at kasalukuyang acting mayor ng Davao City. Kilala sa pagiging tahimik sa mainstream politics noong mga unang taon, pero sa mga nakaraang buwan ay mas vocal na siya sa mga isyung pambansa.

Read also

17-anyos na nagpanggap na dinukot, sa nobyo pala pumunta, ayon sa pulisya

Ang charity boxing match na ito ay hindi lamang entertainment — ito rin ay arena ng patutsadahan at pagpapahayag ng paninindigan, lalo na kung ang kalaban ay isang mataas na opisyal ng pambansang pulisya. Hindi na bago sa pamilyang Duterte ang pagsasama ng “showbiz” appeal sa politika — isang istilo na patuloy pa ring humahakot ng atensyon ng publiko.

Sa eksklusibong panayam, inilahad ni Gen. Torre ang kanyang excitement at pagiging game sa boxing match laban kay Baste Duterte. Para sa kanya, magandang pagkakataon ito para maghatid ng tulong at positibong mensahe sa publiko. Bagama’t may tensyon, iginiit niyang hindi ito personal kundi bahagi ng public engagement. Dagdag niya, “mas masarap kung may kaunting asaran.”

Naging bahagi rin ng balita ang venue ng laban, na pag-aari umano ng isang kilalang senador. Ayon sa ulat, ang ballroom ng isang c^sino hotel ang napiling lugar para sa event. Maraming netizens ang nagtaas ng kilay sa pagpili ng venue, lalo na’t may halong pulitika at entertainment ang laban. Sa kabila nito, tuloy ang laban — literal at simbolikal.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate