Mayor Vico may nakakaaliw na sagot sa mga gustong maging Pasigueño
- Maraming netizens ang nagbibiro online na gusto nilang lumipat sa Pasig dahil sa magaling na pamumuno ni Mayor Vico Sotto
- Sa isang panayam, tinanong si Mayor Vico kung handa bang tumanggap ng bagong residente ang lungsod
- Pabirong sinabi ng alkalde na "punong-puno na" ang Pasig at baka wala nang malipatan ang mga gustong lumipat
- Sa parehong panayam, nilinaw rin ni Vico na wala pa siyang planong tumakbo sa national position
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Hindi mapigilan ng netizens mula sa iba't ibang bahagi ng bansa ang humanga sa uri ng pamumuno ni Pasig City Mayor Vico Sotto. Dahil sa ipinapakitang “good governance” sa kanyang lungsod, umuusbong ngayon sa social media ang biro na marami ang gustong lumipat sa Pasig para lang maranasan ang ganitong klaseng pamahalaan.

Source: Facebook
Kaya naman sa isang panayam kasama si Neil Arwin Mercado ng Inquirer, diretsong tinanong si Mayor Vico kung handa ba silang tumanggap ng maraming bagong residente.
Sa kanyang trademark na kalmadong tono na may halong pagpapatawa, sagot ng Mayor: “Masikip po dito, punong puno na kami dito. Baka wala na po kayong malipatan.” Umani ng tawa at papuri online ang witty remark ni Vico, na muling nagpakita ng kanyang charm bilang isang public servant na kayang pagsamahin ang katatawanan at dedikasyon sa trabaho. Kasunod nito, ipinahayag rin niya ang pasasalamat sa positibong feedback ng mga tao hindi lang sa Pasig, kundi sa buong bansa.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa parehong interview, nilinaw din ng alkalde na wala siyang balak tumakbo sa national position sa susunod na eleksyon. “Wala sa plano,” aniya. Sa halip, mas gusto raw niyang pagtuunan ng pansin ang pagpapatuloy ng reporma at pag-unlad sa kanyang nasasakupan.
Si Vico Sotto ay anak nina showbiz veterans Vic Sotto at Coney Reyes. Kilala siya hindi lamang dahil sa kanyang showbiz lineage, kundi higit sa lahat, sa kanyang pagiging modelo ng makabagong liderato. Noong 2019, nanalo siya bilang alkalde ng Pasig City at agad na naglunsad ng mga reporma sa transparency, anti-corruption, at e-governance na naging inspirasyon para sa maraming kabataan at botante sa buong bansa.
Bilang isa sa pinaka-bata at pinaka-progresibong mayor sa Metro Manila, madalas siyang purihin ng netizens at civil society groups para sa kanyang tapat at matalinong pamumuno. Sa halip na magpaikot-ikot sa politika, tahimik at epektibong nagtratrabaho si Vico—kaya naman hindi kataka-takang gustong “lumipat” sa Pasig ang maraming Pilipino.
Sa isang viral na post, pabirong inihayag ni Mayor Vico ang kanyang pagkabigla at pressure matapos makita ang isang tarpaulin na tila siya ay pumasa sa isang board exam. Natawa ang netizens sa kanyang reaksyon, ngunit marami rin ang humanga sa respeto ng mga tao sa kanyang pamumuno. Sa kabila ng biro, nanatili siyang grounded at nagpapasalamat sa suporta ng mga residente.
Muling nanalo si Vico Sotto bilang mayor ng Pasig sa katatapos na eleksyon. Sa kanyang panalo, muling ipinakita ng mga Pasigueño ang kanilang suporta sa makabago at tapat na pamumuno. Aniya, “Hindi na uubra ang politika ng trapo,” isang pahayag na umani ng palakpakan mula sa mga sumusuporta sa pagbabago. Patuloy niyang pinanghahawakan ang prinsipyo ng tapat na serbisyo at reporma sa gobyerno.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh