COMELEC sa hiling ni Quiboloy: "Basta magpa-file siya ng protesta"

COMELEC sa hiling ni Quiboloy: "Basta magpa-file siya ng protesta"

-Si Pastor Apollo Quiboloy humiling ng full manual recount ng senatorial votes

-Ayon sa Comelec, pwede ito kung maghahain siya ng protesta at may bagong batas na magbibigay-daan

-Ang recount ay magastos at mangangailangan ng hiring ng mga revisors at shipping ng ballot boxes

-Ayon pa sa COMELEC, hindi maaantala ang proclamation ng mga nanalong senador ngayong Sabado

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Mainit na usapin ngayon sa mundo ng politika at relihiyon ang hiling ni Pastor Apollo Quiboloy na magkaroon ng full manual recount ng mga boto sa pagka-senador. Ayon sa Commission on Elections (Comelec), pinapayagan ang recount basta’t may formal na protestang ihahain, at kung may bagong batas na magbibigay ng pondo at malinaw na proseso para rito.

COMELEC sa hiling ni Quiboloy: "Basta magpa-file siya ng protesta"
COMELEC sa hiling ni Quiboloy: "Basta magpa-file siya ng protesta" (📷Apollo Quiboloy/Facebook)
Source: Facebook

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, “Pwede namang magpa-recount ang isang hindi pinalad na kandidato basta magpa-file siya ng protesta.” Dagdag pa niya, kung naproklama at nakapanumpa na ang isang senador, wala na sa Comelec ang hurisdiksyon, at ang Senate Electoral Tribunal na ang bahala sa mga isyu gaya ng recount.

Hindi rin biro ang gastos sa recount, dahil kailangang mag-hire ng mga revisors na titingin sa bawat balota, at ipapadala pa ang mga ballot boxes, tulad ng mula sa Basilan, patungong Maynila. “Per ballot box has a revision committee,” paliwanag ni Garcia, kaya’t inaasahang malaking halaga ang kailangang ilaan para rito.

Nanindigan si Quiboloy, na nagtapos sa ika-31 na pwesto sa Comelec tally na may 5,577,812 na boto, na may mga ulat ng “discrepancies in election returns, inconsistent firmware versions, and overvoting issues.” Sa pamamagitan ng kanyang legal counsel na si Atty. Israelito Torreon, hiniling niya ang isang “full manual recount of the senatorial votes.”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Gayunpaman, tuloy ang proklamasyon ng mga nanalong senador ngayong Sabado, bandang alas-tres ng hapon sa Manila Hotel. Sinabi ni Chairman Garcia na kailangan pa rin ng isang araw na preparasyon, at mas mainam kung sabay-sabay na ipoproklama ang lahat para maging isang okasyon na lamang.

Bukod sa usapin ng recount, pinaalalahanan din ng Comelec ang lahat ng kandidato — panalo man o natalo — na magtanggal ng campaign materials sa loob ng limang araw matapos ang halalan, at magsumite ng kani-kanilang Statements of Contributions and Expenditures (SOCE) sa loob ng 30 araw. Binalaan ni Garcia ang mga hindi magpapasa ng tamang SOCE: “Perpetual disqualification to hold public office kapag hindi nakapag-submit ng 2 beses.”

Si Pastor Apollo Quiboloy ay isang kilalang televangelist at founder ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC). Bukod sa pagiging relihiyosong lider, naging usap-usapan siya sa politika matapos siyang tumakbo sa pagka-senador nitong halalan. Kilala rin si Quiboloy sa kanyang malalapit na ugnayan sa mga kilalang personalidad sa politika, ngunit ilang taon na rin siyang nahaharap sa iba’t ibang kontrobersya, kabilang na ang mga kaso sa loob at labas ng bansa.

Naghain ng reklamo ang kilalang rapper na si Omar Baliw laban kay Pastor Quiboloy matapos umanong gamitin ng kampo ng pastor ang isang bersyon ng kanyang kanta na “O.B.” na walang pahintulot. Ang reklamo ay may kaugnayan sa umano’y copyright infringement.

Sa isang pahayag, pinanindigan ng kampo ni Pastor Apollo Quiboloy ang panawagan para sa manual recount ng mga boto sa pagka-senador. Giit ng kanyang abogado, mahalagang malaman ang tunay na resulta ng halalan sa gitna ng mga ulat ng iregularidad.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate