Vico Sotto, muling nanalo sa Pasig: "Hindi na uubra ang politika ng trapo"

Vico Sotto, muling nanalo sa Pasig: "Hindi na uubra ang politika ng trapo"

-Naiproklama si Vico Sotto para sa kanyang ikatlo at huling termino bilang alkalde ng Pasig

-Nakamit ng buong "Giting ng Pasig" slate ang 15-0 landslide victory sa halalan

-Iginiit ni Sotto na tapos na ang panahon ng tradisyunal na politika sa lungsod

-Inihayag niya ang pangakong patuloy na pagsulong ng tapat, patas, at makataong pamamahala

Sa isang makasaysayang tagumpay, muling naiproklama si Vico Sotto bilang alkalde ng Pasig City para sa kanyang ikatlo at huling termino. Kasama ang buong slate ng "Giting ng Pasig," nakamit nila ang 15-0 sweep sa lokal na halalan, isang patunay ng matibay na suporta ng mga Pasigueño sa kanilang liderato.

Vico Sotto, muling nanalo sa Pasig: "Hindi na uubra ang politika ng trapo"
Vico Sotto, muling nanalo sa Pasig: "Hindi na uubra ang politika ng trapo" (📷Vico Sotto/Facebook)
Source: Instagram

Sa kanyang mensahe sa Proclamation Day, ipinahayag ni Sotto ang kanyang pasasalamat at paninindigan laban sa tradisyunal na politika:

"Gamit ang ating mga boto, SINIGAW natin, sa pinakamalakas na paraan, na: SA PASIG, HINDI NA UUBRA ANG POLITIKA NG TRAPO. ANG HINAHANAP NA NATIN NGAYON AY POLITIKA AT PAMAMAHALA NA TAPAT, MAAYOS, AT PATAS PARA SA LAHAT."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Hindi naman siguro tayo bumoto ng 15-0 kung hindi tayo naniniwalang nasa tamang direksyon tayo ngayon."

Binanggit din niya ang kanyang layunin na mas mapadali ang paggawa ng tama at mas mahirap ang pagiging corrupt sa pamahalaang lungsod:

"Sisiguraduhin natin na pagkatapos ng aking 9 na taon bilang mayor, mas madali nang gumawa ng tama at mas mahirap nang maging corrupt sa ating Pamahalaang Lungsod.

Nasimulan na nating makita ang mga bunga ng pagtataguyod ng mga prinsipyo ng mabuting pamamahala. Ngunit tiyak na mas lalo pang tatamis ang mga bunga nito habang tumatagal;"

Pinasalamatan din niya ang mga nasasakupan:

Mga kapwa ko Pasigueño, maraming salamat sa tiwala't suporta. Ngunit wag nating kalimutan na may malaking bahagi ang bawat isa sa atin para maisakatuparan ang mga layuning ito. Kaya po natin sinasabi na 𝘵𝘢𝘺𝘰 ang 𝙂𝙞𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙨𝙞𝙜.

Sa muling pagkapanalo ni Vico Sotto at ng kanyang buong slate, inaasahan ng mga Pasigueño ang pagpapatuloy ng mga reporma at serbisyong tapat sa lungsod. Ang kanyang paninindigan laban sa tradisyunal na politika ay patunay ng kanyang dedikasyon sa tunay na pagbabago.

Si Vico Sotto ay anak ng mga kilalang personalidad sa showbiz na sina Vic Sotto at Coney Reyes. Bago pumasok sa politika, nagtapos siya ng Political Science sa Ateneo de Manila University at kumuha ng Master's degree sa Public Management. Noong 2019, tinalo niya ang matagal nang nakaupong alkalde ng Pasig, at mula noon ay kilala siya sa kanyang adbokasiya para sa transparency, anti-corruption, at participatory governance.

Sa isang viral na post, pabirong sinabi ni Vico Sotto na napi-pressure siyang mag-review matapos makita ang isang tarp na may larawan niya at may caption na tila siya ay isang board passer. Ang naturang tarp ay bahagi ng kampanya ng kanyang slate, ngunit naging usap-usapan ito online dahil sa pagkakahalintulad nito sa mga tarpaulin ng mga bagong lisensyadong propesyonal.

Sa kanyang 71st kaarawan, nagdiwang si Vic Sotto kasama ang kanyang pamilya, kabilang na si Vico Sotto. Ibinahagi ng pamilya ang ilang larawan ng kanilang simpleng selebrasyon, na nagpapakita ng kanilang pagkakabuklod at pagmamahalan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: