Pulis na umano’y bodyguard ni Paolo Duterte, nahuli sa CCTV, kinasuhan
-Hindi umano awtorisado ang dalawang pulis na magsilbing security detail kaya sinampahan sila ng kaso
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Hindi umano awtorisado ang dalawang pulis na magsilbing security detail kaya sinampahan sila ng kaso
-Ayon sa PNP, mabigat ang kaso laban sa mga pulis dahil hindi sila umaksyon sa gitna ng insidente
-Kasalukuyang iniimbestigahan din ng AFP ang pagkakasangkot ng kanilang mga tauhan sa parehong insidente
Usap-usapan ngayon online at sa mga tabloid ang paglabas ng CCTV footage kung saan makikita si Davao City First District Representative Paolo Duterte kasama ang dalawang pulis sa isang bar sa Davao City. Ang naturang mga pulis ay sinasabing hindi awtorisado at ngayon ay nahaharap sa kasong grave neglect of duty at grave irregularity of performance of duty, ayon mismo sa Philippine National Police (PNP).

Source: Facebook
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ayon kay PNP spokesperson Police Brig. Gen. Jean Fajardo, "‘Yung 2 pulis, napag-alaman natin na hindi ito otorisado. Lumalabas na mag-moonlighting sila as security detail. Sila ay kinasuhan na ng grave neglect of duty at grave irregularity of performance of duty," pahayag niya sa panayam ng TeleRadyo Serbisyo.
Idinagdag pa ni Fajardo na nakunan sa CCTV na naroon ang mga pulis habang umano’y tinutukan ni Duterte ng kutsilyo ang isang lalaki sa loob ng Hearsay Gastropub bandang alas-tres ng madaling araw noong Pebrero 23, 2025. “Mabigat itong grave neglect of duty dahil nandun sila nung naganap ang pananakit pero hindi sila umaksyon bilang mga pulis,” ani Fajardo.
Samantala, sinabi naman ni AFP Public Affairs Office chief Col. Xerxes Trinidad na nagsasagawa rin sila ng hiwalay na imbestigasyon hinggil sa pagkakasangkot ng dalawang sundalo na nakita rin umano sa CCTV footage. Ayon kay Trinidad, “The AFP is currently undertaking an internal inquiry to thoroughly verify and validate the identities of the personnel designated to provide security to Representative Duterte.”
Bagamat pinahihintulutan si Rep. Duterte na magkaroon ng AFP security detail ayon sa Commission on Elections exemption, iniimbestigahan pa rin kung alinsunod ba sa patakaran ang pagkilos ng mga sundalong iyon sa loob ng bar. Sa ngayon, handa naman daw ang PNP na bigyan ng proteksyon ang biktima na umaaming natatakot sa kanyang kaligtasan.
Si Paolo Duterte ay panganay na anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Kilala siya bilang pribadong politiko na bihirang magpa-interview, ngunit laging laman ng balita tuwing may kontrobersiyang kinakasangkutan. Kasalukuyan siyang kinatawan ng unang distrito ng Davao City at kilalang malapit sa kanyang ama. Kamakailan lang ay nagbigay siya ng emosyonal na mensahe sa 80th birthday ni dating Pangulong Duterte.
Sa isang heartfelt na post, ipinahayag ni Rep. Paolo Duterte ang kanyang pasasalamat at pagmamahal para sa kanyang ama, si dating Pangulong Rodrigo Duterte, sa ika-80 kaarawan nito. Tinawag niya itong "the best father and grandfather" at sinabing inspirasyon niya ito sa kanyang serbisyo publiko. Basahin ang buong kwento dito:
Naglabas ng reklamo ang isang self-confessed pimp laban kay Rep. Paolo Duterte dahil umano sa pananakit at pagbabanta gamit ang kutsilyo. Sinasabing nagsimula ang tensyon nang hindi makuha ng isa sa mga bodyguard ni Duterte ang isang babae, at nang magbayad lamang ng P1,000 si Duterte sa isa pang babae. Basahin ang buong detalye dito:
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh