Angelika dela Cruz, inakusahan ng maling paggamit ng pondo
- Inireklamo umano si Barangay Captain Dela Cruz ng plunder at iba pang kasong may kaugnayan sa misuse ng pondo
- Isang botante ang naghain ng reklamo na umabot sa ₱70 milyon umano ang sangkot na halaga
- Kasama sa iniimbestigahan ang barangay treasurer at isang kagawad
- Sa ngayon ay iniimbestigahan na ng Ombudsman ang mga reklamo para matukoy kung may pananagutan nga ang mga naturang opisyal sa umano’y maling paggamit ng pondo ng barangay
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Isang reklamo ang inihain laban sa incumbent Barangay Captain ng Longos, Malabon City, kaugnay ng umano'y maling paggamit ng mahigit ₱70 milyong pondo ng barangay.

Source: Facebook
Ayon sa abogadong si Atty. Gabriel Ablola, na kumakatawan sa nagreklamong si Arman Ramos, sinampahan umano si Kapitana Dela Cruz ng mga kasong plunder, 62 bilang ng malversation of public funds, 18 bilang ng failure to render accounts, illegal use of public funds, at 64 paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Bukod dito, inirereklamo rin umano si Kapitana Dela Cruz ng kapabayaan sa tungkulin dahil umano sa madalas niyang pagliban nang hindi nagsusumite ng opisyal na leave.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa reklamo, sinasabing ipinaubaya umano ng kapitana ang kanyang mga responsibilidad sa kanyang kapatid na si Kagawad Erick Dela Cruz nang walang tamang otorisasyon.
Samantala, iniimbestigahan din umano ang barangay treasurer na si Earnest Dela Cruz sa mga kasong failure to render accounts at illegal use of public funds. Kasama ring iniimbestigahan si Kagawad Erick Dela Cruz para sa umano'y grave misconduct.
Sa kasalukuyan, sinisiyasat pa ng Ombudsman ang mga reklamong inihain, at walang pinal na desisyon sa mga paratang. Lahat ng sangkot ay may karapatan pa rin sa due process at pagpapalabas ng kanilang panig.
Samantala, sa kanyang facebook post, naglabas ng pahayag si Angelica:
Grabe tlg ang politics pag hindi nila nakuha ang gusto nila sa siraan next step kakasuhan ka naman nila haayyy baka sa susunod nyan ipapatay nyo ako ah
Si Maria Lourdes Egger dela Cruz, o mas kilala sa showbiz bilang Angelika Dela Cruz, ay isang batikang aktres, singer, at public servant. Nagsimula siya sa industriya ng aliwan noong 1995 at naging bahagi ng mga sikat na teleserye gaya ng Mara Clara at Esperanza sa ABS-CBN.
Nang lumipat siya sa GMA Network, lalo pang lumawak ang kanyang karera sa mga proyekto tulad ng Ikaw Lang ang Mamahalin at Habang Kapiling Ka. Bukod sa pag-arte, nakapaglabas din siya ng mga album bilang recording artist.
Si Angelika ay kasal kay Orion Casareo at may dalawang anak. Siya rin ang nakatatandang kapatid nina Mika dela Cruz at ng yumaong singer na si Edward dela Cruz.
Bagama't kapareho ng apelyido, walang kinalaman o koneksyon si Angelika Dela Cruz sa nasabing isyu ng Barangay Longos.
Kamakailan, nagbigay ng matamis na birthday greeting si Angelika Dela Cruz para sa kanyang kapatid na si Mika Dela Cruz. Sa isang Instagram post, ipinahayag ni Angelika ang pagmamahal at suporta niya kay Mika, kasabay ng pagnanais ng mas marami pang blessings para sa aktres.
Samantala, naging usap-usapan din si Angelika matapos niyang maghain ng opisyal na pahayag kaugnay ng plano niyang tumakbo muli sa darating na halalan. Ayon sa ulat ng KAMI, iginiit ni Angelika ang kanyang hangaring magpatuloy sa pagsilbi sa kanilang barangay.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh