COMELEC, muling nagpataw ng show cause order kay Atty. Ian Sia
- Naglabas ang Comelec ng ikalawang show cause order laban kay Christian "Ian" Sia dahil sa komentaryo niya tungkol sa timbang ng babaeng staff
- Inilahad ng Comelec na maaaring lumabag si Sia sa Anti-Discrimination and Fair Campaigning Guidelines
- Pinagpapaliwanag si Sia kung bakit hindi siya dapat kasuhan o i-disqualify bilang kandidato
- Nauna nang inakusahan si Sia dahil sa bastos na biro tungkol sa mga solo parent sa Pasig
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Muling pinagpapaliwanag ng Commission on Elections (COMELEC) si Christian “Ian” Sia, abogado at tumatakbong kinatawan ng Pasig, matapos ang kanyang diumano’y hindi sensitibong biro tungkol sa timbang ng isang babaeng staff sa isang campaign event ng partidong “Kaya This” noong Abril 3.

Source: Facebook
Batay sa ikalawang show cause order na inilabas ng Comelec noong Abril 8, binanggit ang mga sinabi ni Sia sa entablado kung saan pinuna nito ang timbang ni Jaja, isa sa mga babaeng staff niya. Aniya, “Mataba ka na... nung magkasama pa lang tayo, ito na ang katawan ni Jaja. Give or take.”

Read also
Shamcey Supsup, nag-resign sa kanyang political party matapos ang isyu ng kasamahang miyembro
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Itinuturing ito ng Comelec na posibleng paglabag sa Resolution No. 11116 o ang Anti-Discrimination and Fair Campaigning Guidelines, lalo na sa seksyon ukol sa gender-based harassment at diskriminasyon laban sa kababaihan. Inihalimbawa rin sa order ang Magna Carta of Women at Safe Spaces Act.
Pinagpapaliwanag si Sia sa loob ng tatlong araw kung bakit hindi siya dapat kasuhan ng election offense o di kaya'y i-disqualify sa halalan.
Ang panibagong isyung ito ay kasunod lamang ng unang show cause order na inilabas noong Abril 4 dahil sa biro ni Sia tungkol sa mga solong magulang sa isang caucus noong Abril 2. Ayon sa mga ulat, sinabi ni Sia na ang kanyang "ambag" para sa mga solo parent ay, “Minsan sa isang taon... pwedeng sumiping ho sa akin,” sabay tawa ng ilang tagapakinig, kabilang si councilor candidate Ara Mina.
Mariing kinondena ng ilang opisyal ang pahayag, kabilang sina DSWD Secretary Rex Gatchalian at Pasig councilor Angelu De Leon, na parehong nagpahayag ng pagkadismaya sa "bastos" na biro.
Sa isang Facebook Live video ng iNews Pasig noong Abril 3, tinanong ni Sia ang kanyang audience kung bastos ba siya, na sinagot ng "Hindi" ng ilan. Aniya, “Sa social media, ako na ang pinakabastos sa lahat ng bastos... Kung may ranggo ang mga bastos, five-star general ako.”
Noong Abril 4, naglunsad si Sia ng press conference kung saan humingi siya ng paumanhin at sinabing handa siyang harapin ang anumang reklamong isasampa laban sa kanya “nang walang sama ng loob.”
Ang midterm elections ay nakatakdang ganapin sa Mayo 12, 2025, kung saan aabot sa 18,272 na posisyon ang pagbobotohan. Magsisimula ang pagboto para sa mga overseas Filipinos sa Abril 13, habang ang local absentee voting naman ay itinakda sa Abril 28 hanggang 30.
Si Atty. Christian "Ian" De Guzman Sia ay isang abogado, certified public accountant, at dating konsehal ng Lungsod ng Pasig. Nagtapos siya ng kursong accountancy sa De La Salle University at kumuha ng abogasya sa Ateneo de Manila University. Noong Oktubre 8, 2024, naghain siya ng kanyang Certificate of Candidacy bilang independenteng kandidato para sa pagka-kongresista ng Pasig sa darating na halalan sa Mayo 12, 2025.
Noong Abril 4, 2025, humingi ng paumanhin si Atty. Sia sa publiko kaugnay ng kanyang kontrobersyal na biro tungkol sa mga single mother. Aniya, wala siyang intensyong mambastos o manlait ng mga single parent at nauunawaan niya ang naging epekto ng kanyang sinabi. Patuloy ang pag-usbong ng mga isyu sa mga kandidato ngayong papalapit na ang halalan, ngunit nananatili si Atty. Sia sa kanyang kandidatura sa pagka-kongresista sa lungsod ng Pasig.
Binatikos ng aktres at kandidato sa pagka-konsehal na si Angelu de Leon ang bastos na pahayag ni Atty. Sia tungkol sa mga single mother. Iginiit niya na ang mga opisyal ng pamahalaan—lalo na ang mga naghahangad ng posisyon—ay dapat maging huwaran ng respeto at dignidad para sa lahat, anuman ang kasarian o estado sa buhay. Kabilang si Atty. Sia sa opposition slate na pinangungunahan ni mayoral candidate Sarah Discaya, kasama rin sina actress Ara Mina at beauty queen Shamcey Supsup-Lee.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh