Sen. Bato Dela Rosa: "Si General Torre ay lasing sa kapangyarihan"
- Iginiit ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na lasing umano sa kapangyarihan si CIDG chief Major General Nicolas Torre III matapos ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte
- Sinabi ni Dela Rosa na may hangganan ang kapangyarihan at umano’y pang-aabuso na ipinakita raw ni Torre sa pag-implementa ng arrest warrant kay Duterte
- Kinuwestiyon din ng senador si PCO Undersecretary Claire Castro matapos sagutin ang kanyang pahayag na mas pipiliin niyang magtago kaysa sumuko sa ICC
- Matatandaang si Dela Rosa ang naging hepe ng PNP nang ipatupad ang war on dr*gs na naging dahilan ng kasong “krimen laban sa sangkatauhan” laban kay Duterte
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Ayon kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa na labis umanong ginamit ni Major General Nicolas Torre III, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), ang kanyang kapangyarihan sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Source: Facebook
Sa panayam ng DWIZ noong Sabado, Marso 22, sinabi ni Dela Rosa na tila “lasing sa kapangyarihan” si Torre matapos ipatupad ang pag-aresto sa dating pangulo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Marso 11, 2025.
Ang pag-aresto kay Duterte ay kaugnay ng kasong “krimen laban sa sangkatauhan” na may kaugnayan sa madugong kampanya kontra droga ng kanyang administrasyon. Binanggit ni Dela Rosa na bagaman malakas ngayon ang kapangyarihan ni Torre, may hangganan pa rin umano ito. “Wala namang forever dito sa mundo kaya may hangganan din ang lahat ng pang-aabuso mo, lahat ng kasigaan mo, may hangganan din ‘yan,” aniya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Samantala, kinuwestiyon din ng senador ang pahayag ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na sumagot sa naunang pahayag ni Dela Rosa. Matatandaang sinabi ni Dela Rosa na mas pipiliin pa umano niyang magtago kaysa sumuko kung hahainan siya ng warrant ng International Criminal Court (ICC).
Sa pagdinig ng komite noong Huwebes, tinanong ni Sen. Imee Marcos si Major General Nicolas Torre III tungkol sa protocol ng PNP sa pag-aresto sa isang indibidwal. Tinukoy ng senadora ang footage kung saan makikita si Torre na tila hinihila ang legal counsel ni dating Pangulong Rodrigo Duterte habang sumasakay sa eroplano.

Read also
Malacañang, hinamon ang mga nagpapakalat ng “fake news” tungkol sa larawan ni First Lady Liza Marcos
Ayon kay Torre, ginawa niya ito dahil hindi umano sumasama nang kusa ang kampo ni Duterte. “Gabi na po yan maam. That’s already the time I’m forcing everyone to board the plane. I’m already forcing the former president to board the plane. Napakarami na nilang optics na kanilang ginawa dyan,” paliwanag ni Torre. Dagdag pa niya, “I have to. Because they won’t go with us voluntarily. I have tried all the — lahat ng pakiusap ay ginawa na namin buong araw.”
Si Dela Rosa ang nagsilbing hepe ng PNP noong ipinatupad ang war on drVgs ng administrasyon ni Duterte, na naging sentro ng imbestigasyon ng ICC. Patuloy namang pinag-uusapan ang naging pag-aresto kay Duterte at ang mga posibleng susunod na hakbang ng gobyerno kaugnay ng kaso.
Sa gitna ng patuloy na kontrobersiya, nananatiling matatag si Dela Rosa sa pagsuporta kay Duterte at sa mga naging hakbang ng dating administrasyon sa kampanya kontra droga.
Si Ronald “Bato” dela Rosa ay isang dating Chief ng Philippine National Police (PNP) at kasalukuyang senador ng Pilipinas. Kilala siya bilang pangunahing tagapagpatupad ng kontrobersyal na war on dr*gs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, na naging sanhi ng libu-libong pagkamatay ng mga hinihinalang sangkot sa droga. Nahalal siya bilang senador noong 2019 at patuloy na nagsusulong ng mga batas na may kaugnayan sa kapayapaan, kaayusan, at laban sa ilegal na droga. Bukod dito, naging Director-General din siya ng Bureau of Corrections (BuCor) bago pumasok sa pulitika. Si Dela Rosa ay nananatiling matatag na kaalyado ni Duterte at tagapagtanggol ng kanyang mga
Si Senador Bato Dela Rosa, sa isang rally na nananawagan sa pagbabalik ng dating Pangulong Rodrigo Duterte sa bansa, ay nagbigay ng matapang na pahayag. Tinalakay niya ang posibilidad na maglabas ng warrant of arrest laban sa kanya ang International Criminal Court (ICC). Ayon kay Dela Rosa, kung sakaling ipatupad ng Philippine National Police (PNP) ang utos ng ICC para arestuhin siya, aniya, lahat ng kanilang gagawin ay ilegal.
Sa isang artikulong inilathala ng GMA News Online, sinabi ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na pinag-iisipan niyang huwag sumuko sakaling lumabas na ang kanyang warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC). Ito ay kung sakaling magpasya ang mga awtoridad ng Pilipinas na makipagtulungan sa ICC at ipatupad ang warrant laban sa kanya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh