Baste Duterte kay PBBM: ‘Yung tatay mo pinalibing ng tatay ko pero ‘yung tatay ko pinakulong mo'
- Sinumbatan ni Mayor Baste Duterte si Pangulong Bongbong Marcos dahil sa umano'y pagpapakulong kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Netherlands
- Ipinunto ni Baste na tinulungan ni Digong na mailibing si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani at sinuportahan si Bongbong noong 2022 elections
- Iginiit ni Baste na hindi mamahalin ng sambayanang Pilipino si Marcos dahil sa ginawa nitong pagtrato kay Duterte
- Pinabulaanan ng Malacañang ang paratang ni Senador Bato Dela Rosa na nagtaksil si Marcos sa pamilya Duterte
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nagpahayag ng matinding sama ng loob si Davao City Mayor Sebastian "Baste" Duterte kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. kaugnay ng umano'y pagpapakulong sa dating Pangulong Rodrigo "Digong" Duterte sa Netherlands.

Source: Facebook
Sa harap ng libu-libong tagasuporta sa Davao City nitong Linggo, inilahad ni Mayor Baste na malaki ang naitulong ng kanyang ama kay Marcos, kabilang na ang paglipat ng labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani at ang pagsuporta kay Bongbong Marcos noong 2022 presidential elections. Sa kabila nito, aniya, ay pinakulong pa rin si Duterte sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.
“'Yung tatay mo [Marcos Sr.] pinalibing ng tatay ko [Duterte], pero 'yung tatay ko pinakulong mo. P**ngin ka,” galit na pahayag ni Baste.
Binanggit din ni Baste na hindi kailanman mamahalin ng sambayanang Pilipino si Marcos dahil sa ginawa nitong pagtrato kay Duterte.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
“I will take this opportunity to tell Mr. Marcos how I feel about him. Mr. President Marcos, you will never be loved, especially to us who are calling Rody Duterte’s name,” dagdag pa ng alkalde.
Samantala, itinanggi naman ng Malacañang ang paratang ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na nagtaksil si Marcos sa pamilya Duterte.
“Mas hindi nanaisin ng taumbayan na mag-betray ang Pangulo at ang gobyerno sa batas natin. Hindi rin magandang mag-betray para sa hustisya o magiging against tayo sa justice,” pahayag ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro.
Si Rodrigo "Rody" Roa Duterte ay ang ika-16 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas na nanungkulan mula Hunyo 30, 2016 hanggang Hunyo 30, 2022. Bago siya maging pangulo, nagsilbi siya bilang alkalde ng Davao City sa loob ng mahigit 22 taon, kung saan siya nakilala dahil sa kanyang kampanya laban sa krimen at iligal na droga.
Nagsampa ng petisyon si Veronica “Kitty” Duterte sa Korte Suprema upang hilingin ang pagbabalik sa Pilipinas ng kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos itong arestuhin ng International Criminal Court (ICC). Sinabi ni Atty. Salvador Panelo na ang petisyon para sa writ of habeas corpus ay naglalayong pilitin ang gobyerno na ibalik ang dating pangulo at papanagutin ito sa umano’y paglabag sa kanyang mga karapatan.
Ibinahagi ni Arnold Clavio ang itsura ng detention facility sa The Hague kung saan dadalhin si dating Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi niyang malinis, ligtas, at may sapat na pasilidad ang lugar para sa mga detenido ngunit hindi ito isang luxury hotel. May sariling break room ang detenido na may maliit na mesa, twin-sized bed, palikuran, at may access sa meeting room para sa mga abogado.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh