Kitty Duterte, humingi ng tulong sa Korte Suprema para ibalik ang kanyang ama sa Pilipinas
- Nagsampa ng petisyon si Veronica “Kitty” Duterte sa Korte Suprema upang hilingin ang pagbabalik sa Pilipinas ng kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos itong arestuhin ng International Criminal Court (ICC)
- Sinabi ni Atty. Salvador Panelo na ang petisyon para sa writ of habeas corpus ay naglalayong pilitin ang gobyerno na ibalik ang dating pangulo at papanagutin ito sa umano’y paglabag sa kanyang mga karapatan
- Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na dinala na si Duterte sa The Hague, Netherlands upang harapin ang mga kasong may kaugnayan sa war on drvgs ng kanyang administrasyon
- Iginiit ni Panelo na iligal ang pag-aresto dahil walang ipinakitang hard copy ng warrant at hindi binigyan ng pagkakataon ang dating pangulo na makausap ang kanyang mga abogado
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Pormal nang nagsampa ng petisyon si Veronica “Kitty” Duterte sa Korte Suprema upang hilingin ang pagbabalik sa bansa ng kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte, na inaresto at dinala sa International Criminal Court (ICC) sa Netherlands dahil sa mga kasong may kaugnayan sa crimes against humanity.

Read also
Kitty Duterte, ipinakita ang resulta ng umano'y 'harassment' na dinanas niya at kanyang pamilya

Source: Instagram
Sa ilalim ng legal na representasyon ng dating chief presidential legal counsel na si Salvador Panelo, naghain si Kitty ng petisyon para sa writ of habeas corpus sa Korte Suprema nitong Miyerkules, Marso 12. Ginawa ito isang araw matapos arestuhin ang dating pangulo sa Pasay City noong Martes. Ang writ of habeas corpus, na nangangahulugang “iharap ang katawan,” ay isang legal na lunas na karaniwang ginagamit ng mga aktibistang ilegal na nadetine.
Kasama rin sa legal team si Salvador Paolo Jr., anak ni Panelo.
Sa petisyon, hiniling ni Kitty sa Korte Suprema na obligahin ang gobyerno, kabilang sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla, Philippine National Police (PNP) chief General Rommel Francisco Marbil, at PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief Police Major General Nicolas Torre III, na ibalik sa Pilipinas ang dating pangulo.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa naunag panayam sinabi ni Panelo na siya at ang kanyang anak na si Salvador Paolo Jr. ay sasamahan si Kitty sa paghahain ng petisyon para sa writ of habeas corpus sa ganap na alas-8:30 ng umaga sa Miyerkules, Marso 12, 2025. Layunin ng petisyon na “bring back” o ibalik sa Pilipinas ang dating pangulo matapos itong ilabas ng bansa noong Martes ng gabi.
Sa isang pahayag, sinabi ni Panelo na ang petisyon ay “against the Philippine government for detaining a Filipino citizen, former President Rodrigo Duterte, kidnapping him, and surrendering him to a foreign institution.”
“The petition will ask the Supreme Court to compel the government to bring him back, and for it to account for its constitutional transgressions on the rights of PRRD (Duterte), and its unpatriotic and abject surrender of the country’s sovereignty to ICC, that has no jurisdiction over the former,” ani Panelo.
Patuloy na inaabangan ang magiging tugon ng Korte Suprema sa petisyong ito.
Si Rodrigo "Rody" Roa Duterte ay ang ika-16 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas na nanungkulan mula Hunyo 30, 2016 hanggang Hunyo 30, 2022. Bago siya maging pangulo, nagsilbi siya bilang alkalde ng Davao City sa loob ng mahigit 22 taon, kung saan siya nakilala dahil sa kanyang kampanya laban sa krimen at iligal na droga.
Matatandaang dumating si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Senado upang dumalo sa pagdinig na nag-iimbestiga sa kontrobersyal na drüg war na kanyang isinulong noong siya'y nasa pwesto. Ang pagharap ni Duterte sa Senate hearing ay bahagi ng patuloy na pagsisiyasat sa mga alegasyon ng paglabag sa karapatang pantao at extrajudicial killings na isinagawa sa ilalim ng kanyang administrasyon
Sinagot ni dating Senadora Leila De Lima ang mga tanong mula sa isang reporter ng GMA sa isang biglaang panayam sa mga pasilyo ng Senado. Nasa Senado ang dating mambabatas upang dumalo sa pagdinig na nag-iimbestiga sa kampanya laban sa droga ng nakaraang administrasyon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh