Kitty Duterte sa amang si PRRD: "the strength you raised me with will go untamed"

Kitty Duterte sa amang si PRRD: "the strength you raised me with will go untamed"

- Naglabas ng emosyonal na mensahe si Kitty Duterte para sa aming si Pangulong Rodrigo Duterte

- Buong-buo ang pagsuporta nito sa ama at sinabing proud siya sa pagiging isang Duterte

- Sinasabing dadalhin ang dating pangulo sa The Hague sa Netherlands, sakay ng isang pribadong chartered na eroplano

- Doon matatagpuan umano ang tanggapan ng International Criminal Court (ICC)

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Isang emosyonal na mensahe ang ibinahagi ni Veronica "Kitty" Duterte para sa kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte, matapos itong arestuhin noong Martes ng umaga, Marso 11, 2025.

Kitty Duterte
Kitty Duterte sa amang si PRRD: "the strength you raised me with will go untamed" (@veronicaduterte)
Source: Instagram

Ang pag-aresto ay isinagawa ng Philippine National Police sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, matapos mag-isyu ang International Criminal Court (ICC) ng isang warrant of arrest laban sa kanya.

Sa isang post sa Instagram na inilabas ng madaling araw ng Miyerkules, ibinahagi ni Kitty ang kanyang buong pagsuporta sa kanyang ama.

"I will forever walk with pride knowing that I am your daughter, your blood. I am a duterte. the strength you raised me with will go untamed. I will stand by the promise I made you today. I love you"

Read also

Kitty Duterte, ipinakita ang resulta ng umano'y 'harassment' na dinanas niya at kanyang pamilya

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang 79-taong-gulang na dating presidente ay inaresto sa kanyang pagdating mula Hong Kong, kung saan siya nanatili.

Kasama sa mga isinampang kaso laban kay Duterte ang mga paratang ng rimes against humanity kaugnay ng kanyang ipinatupad na war on dr*gs noong siya ay nanunungkulan pa bilang presidente ng Pilipinas taong 2016-2022.

Patungo umano si Duterte sa The Hague sa Netherlands, sakay ng isang private chartered plane, kung saan sinasabing matatagpuan ang punong tanggapan ng ICC.

Nahaharap umano siya sa mga kasong maaaring magdulot ng malalaking legal na epekto habang isinasagawa ng international court ang imbestigasyon sa mga umano'y paglabag sa karapatang pantao na nangyari sa kanyang administrasyon.

Sa kabila ng mabigat na paratang, ang mensahe ni Kitty ay nagpapakita ng matinding pagmamahal at suporta para sa kanyang ama. Ang kanyang mga salita ay umabot sa puso ng mga tagasuporta ng pamilya Duterte na patuloy na ipinaglalaban ang dating pangulo laban sa mga akusasyon ng ICC.

Read also

VP Sarah Duterte, naglabas ng statement: "He is being forcibly taken to The Hague tonight"

Habang patuloy ang mga kaganapan, nakatutok ang lahat sa magiging desisyon ng ICC sa The Hague, kung saan haharapin ni Duterte ang korte sa mga susunod na linggo.

Samantala, narito ang kabuuan ng post ni Kitty Duterte na ibinahagi rin ng Philippine Star:

Si Rodrigo "Rody" Roa Duterte ay ang ika-16 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas na nanungkulan mula Hunyo 30, 2016 hanggang Hunyo 30, 2022. Bago siya maging pangulo, nagsilbi siya bilang alkalde ng Davao City sa loob ng mahigit 22 taon, kung saan siya nakilala dahil sa kanyang kampanya laban sa krimen at iligal na droga.

Matatandaang dumating si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Senado upang dumalo sa pagdinig na nag-iimbestiga sa kontrobersyal na drüg war na kanyang isinulong noong siya'y nasa pwesto. Ang pagharap ni Duterte sa Senate hearing ay bahagi ng patuloy na pagsisiyasat sa mga alegasyon ng paglabag sa karapatang pantao at extrajudicial killings na isinagawa sa ilalim ng kanyang administrasyon

Read also

FPRRD, kinuwestyon ang legalidad ng kanyang pag-aresto base sa ICC warrant

Sinagot ni dating Senadora Leila De Lima ang mga tanong mula sa isang reporter ng GMA sa isang biglaang panayam sa mga pasilyo ng Senado. Nasa Senado ang dating mambabatas upang dumalo sa pagdinig na nag-iimbestiga sa kampanya laban sa droga ng nakaraang administrasyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Proofreading by Marisse Gulferica, copy editor at KAMI.com.gh.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica