FPRRD, kinuwestyon ang legalidad ng kanyang pag-aresto base sa ICC warrant

FPRRD, kinuwestyon ang legalidad ng kanyang pag-aresto base sa ICC warrant

- Kinuwestyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang legalidad ng kanyang pag-aresto ng mga awtoridad na kumikilos base sa warrant mula sa ICC kaugnay ng kasong crimes against humanity

- Ipinakita sa isang video na in-upload ng kanyang anak na si Veronica sa social media na tinatanong ni Duterte ang mga awtoridad sa Villamor Air Base ukol sa batayan ng kanyang pag-aresto matapos niyang lumapag sa NAIA mula sa Hong Kong

- Binigyang-diin ni dating Executive Secretary Salvador Medialdea na hindi dumaan sa tamang proseso ang kaso laban kay Duterte at sinabing matagal nang kumalas ang Pilipinas sa ICC

- Kinumpirma ng Malacañang na may “notification for an arrest warrant” ang ICC laban kay Duterte dahil sa libu-libong extrajudicial killings na naitala sa ilalim ng kanyang administrasyon

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Kinuwestyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte nitong Martes ang legalidad ng kanyang pag-aresto ng mga awtoridad na kumikilos alinsunod sa isang warrant mula sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng kasong crimes against humanity na may kaugnayan sa kanyang war ondrugs.

Read also

Andrea Brillantes, nilinaw ang tunay na status ng pakikipag-date kay Sam Fernandez

FPRRD, kinuwestyon ang legalidad ng kanyang pag-aresto base sa ICC warrant
FPRRD, kinuwestyon ang legalidad ng kanyang pag-aresto base sa ICC warrant (📷ABS-CBN News/Facebook)
Source: Facebook

Sa isang video na in-upload ng kanyang anak na si Veronica sa social media, makikitang nakaupo si Duterte sa tila Villamor Air Base habang tinatanong ang mga awtoridad ukol sa batayan ng kanyang pag-aresto matapos niyang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula sa Hong Kong.

“What is the law and what is the crime that I committed? Explain to me now the legal basis for my being here as apparently I was brought here not of my own volition. It’s somebody else’s,” ani ng dating Pangulo.

“You have to answer now for the deprivation of liberty… Have you read the case at the time you made the arrest so that you should be guided on what you should know?” dagdag pa niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Samantala, kinuwestyon din ni dating Executive Secretary Salvador Medialdea ang ICC prosecutor general kaugnay ng aniya’y “questionable warrant of arrest.”

“Alam mo ba na hindi man lang siya na-serve kung anong kaso ang chinacharge sa kaniya ngayon? Hindi niya alam. Lahat ng charges sa kaniya nasa dyaryo lang,” ayon kay Medialdea.

Read also

Pagsampa ng kaso sa suspek sa pagpaslang sa 17 anyos na aspiring model, hinahanda na

“You are the prosecutor general. You know how to exercise due process. You know before you can file charges you have to file a complaint, we have to file a counter affidavit,” aniya pa.

“Without doing those processes, here we are now facing a warrant of arrest, a questionable warrant of arrest,” dagdag ni Medialdea.

Binigyang-diin din ni Medialdea na matagal nang kumalas ang Pilipinas sa ICC, ang entity na may hawak ng mga kasong crimes against humanity laban kay Duterte.

“Hindi ba kayo naaano na ganito ginagawa natin, na sumusunod tayo sa isang entity na hindi na tayo miyembro, nag withdraw na tayo,” ani Medialdea.

Bukod kay Medialdea, kasama rin ni Duterte ang kanyang kinakasama na si Honeylet Avanceña at ang kanilang mga anak na sina Veronica at Mira.

Mas maaga ngayong linggo, ilang beses nang binanggit ni Duterte na handa siyang harapin hindi lamang ang pag-aresto kundi maging ang posibilidad ng pagkakakulong.

Read also

Lindsay Custodio, sinampahan ng cyber libel ng asawang si Frederick Cale

“Ang hingin ko na lang sa inyo tutal ganito ang suwerte ko sa buhay, okay lang, tatanggapin ko yan, wala tayong magawa kung ikulong tayo,” aniya sa harap ng mga OFW sa Hong Kong noong Linggo.

Sa isang panayam bago umalis sa Hong Kong, sinabi rin ni Duterte na hindi na kailangang magpadala ng libu-libong pulis sa NAIA dahil maaari naman siyang sumuko sa mga awtoridad.

“Hindi ako ganun maglaro nang patago-tago diyan. Naging presidente ako, sino taguan ko? Police? Army? Sino? ICC? Ang tagal ko nang naghintay niyan, vice mayor pa ako,” ani Duterte sa isang panayam sa SMNI.

“If they want to arrest me, I will go to them,” dagdag niya.

Kinumpirma naman ng Malacañang na ang ICC Prosecutor General ay nagpadala ng isang “notification for an arrest warrant” laban sa dating Pangulo dahil sa umano’y crimes against humanity.

Ang kaso ay nag-ugat sa libu-libong extrajudicial killings na naitala sa ilalim ng administrasyon ni Duterte, kung saan paulit-ulit niyang inutusan ang mga pulis—sa mga pampublikong talumpati—na patayin ang mga gumagamit at nagtutulak ng droga.

Read also

Vice Ganda, isa sa top taxpayers ng QC; nagbigay ng makabuluhang mensahe

Si Rodrigo "Rody" Roa Duterte ay ang ika-16 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas na nanungkulan mula Hunyo 30, 2016 hanggang Hunyo 30, 2022. Bago siya maging pangulo, nagsilbi siya bilang alkalde ng Davao City sa loob ng mahigit 22 taon, kung saan siya nakilala dahil sa kanyang kampanya laban sa krimen at iligal na droga.

Matatandaang dumating si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Senado upang dumalo sa pagdinig na nag-iimbestiga sa kontrobersyal na drüg war na kanyang isinulong noong siya'y nasa pwesto. Ang pagharap ni Duterte sa Senate hearing ay bahagi ng patuloy na pagsisiyasat sa mga alegasyon ng paglabag sa karapatang pantao at extrajudicial killings na isinagawa sa ilalim ng kanyang administrasyon

Sinagot ni dating Senadora Leila De Lima ang mga tanong mula sa isang reporter ng GMA sa isang biglaang panayam sa mga pasilyo ng Senado. Nasa Senado ang dating mambabatas upang dumalo sa pagdinig na nag-iimbestiga sa kampanya laban sa droga ng nakaraang administrasyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate