Erwin Tulfo, umaming naging undocumented immigrant sa U.S. ng 10 taon

Erwin Tulfo, umaming naging undocumented immigrant sa U.S. ng 10 taon

  • Inamin ni Erwin Tulfo na nanirahan siya sa Estados Unidos ng sampung taon bilang undocumented immigrant
  • Ikinuwento niya na pumunta siya sa U.S. noong 1986 gamit ang tourist visa upang maghanap ng mas magandang oportunidad
  • Ibinahagi niya na nagtrabaho siya bilang bagger, janitor, caregiver, at warehouseman gamit ang pekeng dokumento
  • Ipinaliwanag niya na ginawa niya ito upang matustusan ang kanyang pamilya at walang nilabag na batas sa Pilipinas

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Inamin ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo na nanirahan siya sa Estados Unidos nang sampung taon bilang isang undocumented immigrant.

Erwin Tulfo, umaming naging undocumented immigrant sa U.S. ng 10 taon
Erwin Tulfo, umaming naging undocumented immigrant sa U.S. ng 10 taon (Erwin Tulfo | Facebook)
Source: Facebook

Sa kanyang radio program na Punto Asintado Reload, ibinahagi ni Tulfo na bumiyahe siya patungong U.S. noong 1986 gamit ang tourist visa matapos makaranas ng matinding kahirapan bilang isang batang ama sa Pilipinas.

"Tumigil lang ako sa pag-aaral. Nagtrabaho ako sa diyaryo," kwento ni Tulfo, at inalala kung paano siya nangutang sa mga kasamahan upang matustusan ang gastos sa panganganak ng kanyang panganay.

Read also

Sofronio Vasquez, emosyonal na nagbalik-tanaw sa kanyang It's Showtime Homecoming

Dahil hindi sapat ang kinikita sa pagiging mamamahayag, naghanap siya ng mas magandang oportunidad sa ibang bansa. Bagamat una niyang pinag-isipan ang pagpunta sa Saudi Arabia, sa tulong ng kanyang tiyahin ay napunta siya sa Amerika.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Nag-TNT po ako roon," pag-amin ni Tulfo, gamit ang Filipino term na Tago Ng Tago para sa mga illegal immigrant sa U.S.

Sa loob ng sampung taon, nagtrabaho si Tulfo sa iba’t ibang larangan tulad ng pagiging bagger, janitor, caregiver, at warehouseman. Gumamit siya ng pekeng dokumento upang makahanap ng trabaho, isang karaniwang gawain ng mga undocumented immigrants noong panahong iyon.

Pagbalik sa Pilipinas, muling ipinagpatuloy ni Tulfo ang kanyang karera bilang mamamahayag at kalaunan ay naging tanyag na personalidad sa public service. Sa harap ng mga batikos ukol sa kanyang eligibility bilang opisyal ng gobyerno, iginiit niya na wala siyang pagsisisi sa kanyang naging desisyon, na aniya’y ginawa para sa kanyang pamilya

Read also

Japanese coach Munehiro Kugimiya, nagbalik-tanaw sa kanyang PH journey

Pinahayag din ni Tulfo na ang lahat ng kanyang kinita sa U.S. ay mula sa marangal na trabaho.

Bagamat hindi siya proud sa kanyang nakaraan, sinabi ni Tulfo na hindi rin niya ito ikinahihiya.

"Pero hindi ko rin ikinahihiya na once upon a time, nag-TNT ako, na once upon a time, illegal alien ako. Once upon a time, nagtrabaho ako na undocumented," pagtatapos ni Tulfo.

Kilala si Erwin Tulfo sa pagiging matapang nito sa kanyang komentaryo. Sa katunayan, pinuna niya kamakailan ang ilang government workers na hindi sumusunod sa mga COVID-19 protocols.

Sa kanya din lumapit ang ina ng napaslang na lady driver na si Jang Lucero.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: