Department of National Defense, naglabas ng pahayag kaugnay sa kumakalat na “pulvoronic video”

Department of National Defense, naglabas ng pahayag kaugnay sa kumakalat na “pulvoronic video”

- Naglabas ng pahayag ang Department of National Defense (DND) kaugnay sa kumakalat na “pulvoronic video” na inilabas ng grupong Maisug

- Ayon sa DND, ang video ay isang pekeng pagtatangka na pabagsakin ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr

- Ipinaliwanag ng DND na ang video ay nagpapakita umano kay Pangulong Marcos na gumagamit ng ilegal na droga

- Binibigyang-diin ng DND na hindi magtatagumpay ang mga nasa likod ng video at patuloy nilang babantayan ang kapayapaan at kaayusan ng bansa

Naglabas ng pahayag ang Department of National Defense (DND) nitong Lunes kaugnay sa kumakalat na “pulvoronic video” na inilabas ng grupong Maisug na may kaugnayan kay dating Pangulong Duterte. Ayon sa DND, ang naturang video ay isang tangkang pabagsakin ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na inilabas sa isang pagtitipon ng Maisug sa Los Angeles.

Department of National Defense, naglabas ng pahayag kaugnay sa kumakalat na “pulvoronic video”
Department of National Defense, naglabas ng pahayag kaugnay sa kumakalat na “pulvoronic video”
Source: Facebook

Ipinaliwanag ng DND na malinaw na pekeng video ang ipinakakalat, na nagpapakita umano kay Pangulong Marcos na gumagamit ng ilegal na droga. Idiniin ng ahensya na ang paglabas ng video ay isang malisyosong pagtatangka upang magdulot ng kaguluhan at sirain ang kasalukuyang administrasyon.

Read also

Customer na umano'y nagpatayo sa waiter nang matagal dahil sa misgendering, nagsalita na

Sa kanilang pahayag, binigyang-diin ng DND na hindi magtatagumpay ang mga nasa likod ng pagpapakalat ng video sa kanilang layunin na pabagsakin ang administrasyon ni Marcos. Ayon sa kanila, ang mga ganitong klaseng hakbang ay hindi makakabuti sa bansa at isang malaking pagsasayang ng oras at resources.

Dagdag pa ng DND, nananatiling buo ang suporta nila kay Pangulong Marcos at patuloy nilang babantayan at papangangalagaan ang kapayapaan at kaayusan ng bansa laban sa mga ganitong uri ng destabilization efforts. Hinihikayat din nila ang publiko na huwag magpapaniwala agad sa mga pekeng balita at video na kumakalat sa social media at iba pang plataporma.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Ferdinand "Bongbong" Romualdez Marcos Jr. ay ang kasalukuyang nanunungkulan bilang Pangulo ng Pilipinas. Siya ay anak ng dating Pangulong Ferdinand Marcos at dating Unang Ginang Imelda Marcos. Bago siya naging pangulo, nagsilbi si Bongbong Marcos bilang Senador ng Pilipinas.

Read also

Toni Gonzaga, binahagi ang aniya'y dahilan kung bakit naging banlag siya

Ang mga anak ni Kris Aquino na sina Bimby at Josh ay kamakailan lamang bumisita kay Unang Ginang Liza Araneta-Marcos. Ang asawa ni Pangulong Bongbong Marcos ay nag-post sa kanyang mga social media page ng magagandang litrato kasama sina Bimby at Josh sa kanyang opisina. Nagpasalamat din nang taos-puso ang Unang Ginang sa dalawa sa kanilang pagbisita at sa "pasalubong" na dinala nila.

Kamakailan ay tinanong si PBBM tungkol sa pagbisita nina Bimby at Josh Aquino saUnang Ginang. Hulyo 9 nang bumisita ang mga anak ni Kris Aquino sa opisina ng Unang Ginang at nagdala ng "pasalubong." Sinabi ng Pangulo sa media na ang dahilan ng pagbisita ng dalawang Aquino sa kanyang asawa ay upang personal na magpasalamat sa kanya sa "tulong sa kanilang travel arrangements"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate