Rowena Guanzon sa meeting niya kina Marcos at Romualdez: "Di puwedeng kontra lang"

Rowena Guanzon sa meeting niya kina Marcos at Romualdez: "Di puwedeng kontra lang"

- Sinagot ng dating Comelec commissioner na si Rowena Guanzon ang umano'y tungkol sa mga video at larawang kasama si Sandro Marcos

- Lumabas din ang larawan na kasama naman niya si Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez na pawang pinsan naman umano ng presumptive president na si Bongbong Marcos

- Ito ay dahil sa hayagan noon ang pagsuporta ni Guanzon sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo sa pagka-pangulo na mahigpit na kalaban ni Marcos

- Ayon kay Guanzon, ang pagpupulong ay para sa trabaho at pakikiisa sa gawain ngunit magagawa pa ring mambatikos kung may makitang kamalian

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nabigay pahayag ang dating retitred Comelec commissioner na si Atty. Rowena Guanzon kaugnay sa mga larawan at video na kumalat kahapon, Mayo 14.

Rowena Guanzon sa meeting niya kina Marcos at Romualdez: "Di puwedeng kontra lang"
Photo: Rowena Guanzon
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ito ay kaugnay sa pagpupulong nila kung saan naroon sina Sandro Marcos, anak ng nangunguna sa presidential race na si Bongbong Marcos at pinsan din nito na si Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez.

Read also

BBM, nagpabatid ng pasasalamat; lalo na sa 31M na botong natanggap

Sa video at larawang ibinahagi ng SMNI, makikita ang reaksyon ni Guanzon nang kamayan siya ni Sandro sa nasabing pagtitipon.

Mayroon din silang larawan ni Romualdez na siya mismo ang nag-post sa kanyang Twitter at may caption na "Speaker M.Romualdez :" We must rally under one flag."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil dito, hindi naiwasang magkomento ng netizens gayung hayagan ang naging suporta ni Guanzon sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo sa pagka-pangulo.

Sa comment section ng kanyang viral post, siya ay nagpaliwanag.

"Mga nak, wala tayong mapapasang batas and budget para sa mga pwd kung hindi tayo magtratrabaho with them"
"Hindi pwedeng kontra lang ng kontra, suportahan natin ang magagandang programa pero hindi magdadalawang isip na batikusin ang mali"
"Wala akong utang na loob sa kanila, kayo ang nagluklok sa akin dito,"

Read also

Cristy Fermin, sinabing swerte si Andrew E sa mga pulitikong sinusuportahan niya

Si Atty. Rowena Guanzon ay isang abogado, public servant at politician. Siya ang kaka-retire lamang na commissioner ng COMELEC na nag-serbisyo sa nasabing ahensya mula 2015 hanggang 2022.

Bago ang kanyang pagreretiro, naging matunog ang kanyang pangalan kaugnay sa disqualification case ng nangunguna ngayon sa pagka-pangulo na si Bongbong Marcos.

Sa naging panayam sa kanya ni Ogie Diaz, naikwento ni Atty. Guanzon ang hindi niya makakalimutang childhood memory kung saan nadisiplina sila ng ama dahil sa umano'y pagnanakaw.

Kwento niya, ang payroll money na pasweldo sa kanilang mga trabahador sa hacienda ay nasa 'brown bag' lamang noon sa kwarto ng kanyang mga magulang.

Katwiran noon ni Atty. Guanzon, bilang bata, inakala niyang ang anumang pera na nasa loob ng kanilang bahay ay sa kanya rin.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica