Bongbong Marcos, nagpasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanyang kandidatura
- Naglabas na ng statement of gratitude si presidential aspirant Bongbong Marcos
- Ito ay inilabas habang lumalabas na malaki umano ang lamang niya sa katunggaling si Vice President Leni Robredo sa pagka-pangulo
- Pinasalamatan ni Marcos Jr. ang lahat umano ng sumuporta at naniwala sa kanya sa loob ng anim na buwan bilang paghahanda sa eleksyon
- Matatandaang sina Marcos Jr. din at Robredo ang mahigpit na magkatunggali sa pagka-bise presidente noong Halalan 2016
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Naglabas na ng pasasalamat si presidential aspirant Bongbong Marcos sa kanyang mga tagasuporta.
Nalaman ng KAMI na habang lumalamang umano sa unofficial count si Marcos Jr., agad na itong naglabas ng 'statement of gratitude' sa mga supporters niya sa loob ng anim na buwang paghahanda bago ang katatapos lamang na eleksyon.
"Kailangan pa rin tayong magbantay, but I wanted to issue a short statement. Actually it's a statement of gratitude to all of those who have been with us in this long and sometimes very difficult journey for the last six months."
"I want to thank you, for all that you have done for us. There are thousands of you out there. Volunteers, parallel groups... Because of their belief in the candidates tambalang Marcos at Duterte."
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"Kaya't napakalaki ng pasasalamat namin sa inyong lahat. Bukod pa 'dun ay magpapasalamat ako sa mga kababayan ko na nandiyan sila at nagsuporta sila hindi lamang sa mga kandidato, hindi lamang sa aming partido, kung hindi sa magandang bukas ng ating minamahal na Pilipinas at 'yan sa akin ang pinakamahalaga."
Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:
Si Ferdinand "Bongbong" Romualdez Marcos Jr. o kilala rin sa kanyang initials na BBM ay isang Filipino politician na nagserbisyo sa bansa bilang senador mula 2010 hanggang 2016. Siya ang pangalawang anak ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at dating First Lady Imelda Romualdez Marcos.
Matatandaang noong Halalan 2016, naging mahigpit ding katunggali ni Marcos Jr. si Leni Robredo na kalauna'y hinirang na bise presidente ng bansa.
Ngayong 2022, sinasabing si Marcos Jr. ang nangunguna at 'di umano'y malaki ang lamang kay Robredo sa unofficial count ng katatapos lamang na Eleksyon na ginanap nitong Mayo 4.
Source: KAMI.com.gh