Video ng mga nasa Makati rally na kumakanta ng 'Rosas,' viral
- Viral ang video ng mga nasa huling Miting de Avance ng 'Leni-Kiko tandem' sa Makati City
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
- Ito ay dahil sa sabay-sabay silang kumanta ng 'Rosas' na isinulat ni Nica Del Rosario para sa kampanya ni VP Leni
- Sa huling araw na iyon ng kampanya, kasama ni Nica si Vice Ganda sa pag-awit nito gayundin ang presidential candidate ng mga 'Kakampink'
- Ito rin ang unang beses na nakita umano si VP Leni na naki-sing along sa kantang tila awit niya para sa taumbayan
Agaw-eksena sa social media ang video na kuha sa huling Miting de Avance nina VP Leni Robredo, Senator Kiko Pangilinan at ng 'Tropang Angat' sa Makati City noong Mayo 7.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Nalaman ng KAMI na isang netizen ang nagbahagi ng video na kuha sa campaign rally kung saan maririnig na sabay-sabay na umaawit ang nasa mahigit 750,000 na mga 'Kakampink' na kumakanta ng 'Rosas.'
Ang 'Rosas' ay isa sa mga awiting isinulat ni Nica Del Rosario para sa kampanya ni VP Leni sa pagka-pangulo ng bansa.
Sa nasabing Miting de Avance, nakasama ni Nica si Vice Ganda sa pag-awit nito na nagbigay surpresa sa crowd.
Kasama rin mismo nina Vice at Nica si VP Leni na nakita ring nakiki-sing along sa kanila sa kauna-unahang pagkakataon
"A million voices and thousands of pink lights. The energy of people who’ve been standing in the heat for hours, but have just heard from the leader- and sing this for her, and the hope that she represents," ayon kay Tina Paterno na siyang nagbahagi ng naturang video.
Ang nasabing Miting de Avance ang may pinakamataas na bilang ng mga naitalang dumalo sa lahat ng mga naging campaign rally nina VP Leni at Senator Kiko.
Sinasabing sinundan ito ng bilang ng mga dumalo naman sa birthday rally ni VP Leni Robredo noong Abril 23 na may mahigit 400,000 na mga Kakampink na nagpunta at nakiisa.
Samantala, ilang flash mobs din ang ginawa ng mga musikero at theater artists para sa kandidatura ng 'Leni-Kiko tandem.' Isa nga sa mga huling ginawa nila ay kasama ang national artist for music na si Ryan Cayabyab.
Source: KAMI.com.gh