Ogie Diaz sa mga campaign rally ni VP Leni: "25 stages. Libre. Walang bayad. Kusang-loob"
- Nagbigay mensahe si Ogie Diaz sa kanyang boluntaryong pakikiisa sa kandidatura ni VP Leni Robredo sa pagka-pangulo ng bansa
- Sa pagtatapos ng kampanya, nabanggit nito ang 25 na entabladong kanilang nasamapahan ni Mama Loi nang 'walang bayad' at 'kusang loob'
- Inamin niyang marami silang naging bashers dahil dito at nabawasan din umano ang kanilang mga supporters
- Pinaalalahanan din niya ang mga botante sa pagpili ng nararapat na maging pangulo ng bansa
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ibinahagi ni Ogie Diaz ang kanyang saloobin matapos ang mga araw ng kampanya para sa Halalan sa darating na Mayo 9.
Nalaman ng KAMI na umabot sa 25 na entablado ang kanilang nasampahan ni Mama Loi bilang suporta sa kandidatura ng 'Leni-Kiko tandem sa pagka-pangulo at pagka-bise presidente.
"25 stages. Libre. Walang bayad. Kusang-loob. Kitaan ng mga performers and hosts ang eleksiyon. Raket season. This time, mas pinili namin ang sumampa sa entablado na ang laman ay mga taong pinaniniwalaan mo — si VP Leni Robredo"
Aniya, sa hayagang pagsuporta at pagiging isang 'Kakampink' dumami umano ang kanilang mga bashers at nabawasan din umano ang kanilang mga subscribers.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"Gusto ko mang ikalungkot, pero hindi naman para lang sa akin itong pagtindig ko kay Leni. Para ito sa buong bayan"
Ngayon, di pa naiintindihan ng mga bashers ang stand namin, pero after the election, maiintindihan na nila kami. Sigurado."
Nagbigay paalala rin siya sa pagpili ng mga susunod na lider ng ating bansa at iba't ibang bahagi nito.
"Basta ang bilin ko lang sa lahat, kahit pa pro bbm ka, pro Isko o Lacson ka, boboto tayo ng lider, siya dapat yung kayang sabihin na, “Hindi ako mangungurakot. Hindi ako magnanakaw... Kung kayang sabihin yan ng inyong piniling Pangulo, ako na mismo ang nagsasabi sa inyo — siya ang iboto nyo," ani Ogie D.
Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:
Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at respetadong showbiz reporter.
Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang mga YouTube channels na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at iba pang kilalang personalidad.
Source: KAMI.com.gh