BBM sa kanyang supporters: "Panalo na tayo basta walang tulugan sa Lunes"
- Muling hinikayat ni dating senator Bongbong Marcos ang kanyang mga supporters na bantayan ang kanilang boto sa Halalan sa Lunes, May 9.
- Sinabi niyang 'panalo' na umano sila basta't walang tutulog upang magbantay sa resulta ng botohan
- Matatandaang sa kanyang video kamakailan ukol sa nalalapit na eleksyon, ito rin ang naging mensahe niya sa kanyang mga tagasuporta
- Sinasabing may kaugnayan umano ito sa kanyang karanasan noong 2016 kung saan inakala niyang lamang na siya subalit si Leni Robredo ang hinirang na bise presidente ng bansa
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa huling araw ng kampanya para sa eleksyon sa May 9, muling hinikayat ng presidential aspirant Bongbong Marcos (BBM) ang kanyang mga supporters na bantayang mabuti ang resulta ng botohan.
Nalaman ng KAMI na ito ay bahagi ng kanyang talumpati sa Miting de Avance ng UniTeam na ginanap sa Paranaque City.
Nagsisimula pa lamang halos na magsalita si BBM, maririnig na ang kanyang mga supporters na sumisigaw ng "Panalo ka na!"
Agad naman niya itong sinagot ng "Panalo na tayo basta walang tulugan sa Lunes."
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sinasabing tila ito ay may kaugnayan sa naging resulta ng Halalan noong 2016 kung saan inakala ng kampo ni Marcos na lamang na sila subalit kalaunan, si Leni Robredo ang nagwagi bilang bise presidente ng bansa.
Hindi ito ang unang beses na nanawagan si BBM sa kanyang mga supporters na bantayan ang kanilang boto.
Matatandaang sa video na kanyang inilabas upang makapagbigay paalala para sa nalalapit na Halalan, ito na rin ang naging pakiusap ni Marcos Jr.
"Alam naman po natin kapag naiwanan natin kung minsan maraming nangyayari na hindi kanais-nais," dagdag pa niya.
Samantala, ilang araw bago ang pinakaaabangang Halalan 2022, sinsabing si Marcos Jr. pa rin ang lamang sa WR Numero Research (WRN) survey ayon sa The Manila Times.
Samantala, narito ang kabuuan ng pahayag ni Bongbong Marcos na ibinahagi rin ng Manila Bulletin online:
Si Ferdinand "Bongbong" Romualdez Marcos Jr. o kilala rin sa kanyang initials na BBM ay isang Filipino politician na nagserbisyo sa bansa bilang senador mula 2010 hanggang 2016. Siya ang pangalawang anak ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at dating First Lady Imelda Romualdez Marcos.
Samantala, kamakailan ay pormal nang inihayag ng Iglesia ni Cristo (INC) ang pag-endorso nila sa kandidatura ng pagka-pangulo ni Marcos at si Mayor Sara Duterte naman bilang kanyang bise presidente.
Ilan din sa senatorial slate ng UniTeam ay pasok din sa mga umano'y suportado ng INC. Kilala ang religious group na ito sa bloc voting kung saan mahalaga umano sa kanila ang paggalang at pagsunod kung sino ang kandidatong kanilang susuportahan o ieendorso.
Source: KAMI.com.gh