Tatay Elmer Cordero ng Piston 6, muling nakiisa sa Kakampink rally sa Araneta

Tatay Elmer Cordero ng Piston 6, muling nakiisa sa Kakampink rally sa Araneta

- Muling nakiisa si Elmer Cordero sa 'Kakampink' rally noong Mayo 1 sa Araneta Center

- Dala ang kanyang placard, nabigyan pa ng pagkakataong makaakyat ng entablado si Tatay Elmer

-Matatandaang unang nagtungo si Tatay Elmer sa CAMANAVA rally ng mga Leni-Kiko supporters noong Marso 26

- Nabigyan din siya noon ng pagkakataong makausap mismo si Vice President Leni Robredo

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Namataan muli sa isang 'Kakampink' rally noong Mayo 1 sa Araneta Center ang miyembro ng tinatawag umanong Piston 6 na si Tatay Elmer Cordero.

Tatay Elmer Cordero ng Piston 6, muling nakiisa sa Kakampink rally sa Araneta
Tatay Elmer Cordero ng Piston 6, muling nakiisa sa Kakampink rally sa Araneta (Photo: VP Leni Robredo)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na habang kinakanta ang 'Rosas' sa People's rally sa Araneta ay hawak-hawak naman ni Tatay Elmer ang placard niyang "Malayang Makabalik Pasada".

Samantala, unang nakita ng publiko si Tatay Elmer nang una itong dumalo ng campaign rally ng CAMANAVA noong Marso.

Read also

Kandidato, pasok sa konseho matapos na lumamang lang ng isa sa kalaban

Nabigyan pa siya noon ng pagkakataon na makausap si presidential candidate Leni Robredo at nakapagpalitan pa sila ng numero.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Unang inalam ni VP Leni ang ikinabubuhay ni Tatay Elmer na ngayo'y pa-extra extra na lamang umano base sa kanya mismong kwento.

"Nasaan 'yung telepono niyo, para ilagay ko number ko," ang nasabi rin ng bise presidente.

"Sabi nga namin, nasa sa iyo ang pag-asa namin," ang diretsang nasabi ni Tatay Elmer sa sinusuportahan niya sa pagka-pangulo ng bansa sa darating na Halalan sa Mayo.

Samantala, narito ang kabuuang ulat sa Rappler:

Si Elmer Cordero, isa sa 'Piston 6' na nakulong dahil di umano sa protestang isinagawa nila sa EDSA Caloocan.

Matatandaang naging kontrobersyal ang pagkakaditena sa kanila gayung ang hindi naman daw pagra-rally ang kanilang ginawa kundi paghingi lamang ng ayuda.

Read also

VP Leni Robredo, dumalaw sa burol ng yumaong supporter na si Nanay Gloria

Hunyo 9 ng 2020 nang makapagpiyansa ang kampo ni Cordero sa tulong ng ilang mga nagmalasakit na siya ay tulungan.

Naiwan pa ng ilang araw noon si Tatay Elmer dahil napag-alamang may kaso siyang estafa noong 2002 dahil lamang sa upa ng bahay na hindi niya noon nabayaran.

Nang makalaya, mas lalong dinagsa ng tulong si Tatay Elmer na ang tanging kahilingan lamang ay ang may kitain upang patuloy na masuportahan ang pamilya.

Nakapagpatayo na rin siya noon ng sariling sari-sari store mula sa mga tulong na natanggap niya buhat nang siya ay ma-detain at makalaya.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica