Bongbong Marcos, naikwentong sa ama humihingi ng payo lalo na noong siya'y teenager

Bongbong Marcos, naikwentong sa ama humihingi ng payo lalo na noong siya'y teenager

- Naikwento ng presidential candidate na si dating senator Bongbong Marcos na sa kanyang ama siya humihingi ng payo noong siya'y teenager

- Aniya, the best umano itong magbigay ng advice na nilarawan niyang the best

- Gayunpaman, aminado siyang hindi basta madaling sundin ang mga payong naibibigay nito sa kanya

- Samantala, abala pa rin ngayon sa kampanya si Marcos gayundin ang kanyang running mate na si Mayor Sara Duterte

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Panauhin ni dating senator Bongbong Marcos ang anak na si Sandro sa kanyang YouTube channel.

Bongbong Marcos, naikwentong sa ama humihingi ng payo lalo na noong siya'y teenager
Photo: Bongbong Marcos
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na nagkaroon sila ng "Questions I've Never Asked My Dad" kung saan isa sa mga naitanong ni Sandro sa ama ay kung kanino ito humihingi ng advice noong siya ay teenager pa lamang.

Agad namang isinagot ng presidential candidate na walang iba kundi sa kanyang namayapang ama at naging pangulo ng bansa na si Ferdinand Marcos.

Read also

Pinay actress sa mga K-Drama, sinabing walang Oppa in real life

"For advice? My father. Palagi kong pinupuntahan 'yung father ko. It was always very good advice but It wasn't, it's not necessarily easy to follow. Hindi 'yung basta madaliin. Kapag ina-advise ka you have to do it this way, this way... It's not the easiest way but yeah, it's the best."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kasunod naman nito ang naging pahayag niya na ang worst nightmare niya ay ang malaman o mapanood noon sa telebisyon na may hindi magandang nangyari sa kanyang ama.

"You know what's my worst nightmare was, was that I would turn on the TV and the news would say, the president, something happened to the president."

Narito ang kabuuan ng kanilang naging Q&A:

Si Ferdinand "Bongbong" Romualdez Marcos Jr. o kilala rin sa kanyang initials na BBM ay isang Filipino politician na nagserbisyo sa bansa bilang senador mula 2010 hanggang 2016. Siya ang pangalawang anak ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at dating First Lady Imelda Romualdez Marcos.

Read also

Mayor Isko, hinamon si VP Leni Robredo na umatras sa kandidatura; "Withdraw Leni"

Pebrero 8 nang ganapin ang proclamation rally ng UniTeam nina BBM at Mayor Sara Duterte sa Philippine Arena.

Kamakailan, nag-viral ang video ng mga supporters ng Bongbong Marcos-Sara Duterte tandem kung saan maririnig silang humihiyaw ng "Hindi kami bayad."

Kuha ito sa Talavera, Nueva Ecija na pinuntahan umano ng 'UniTeam' noong Marso 15.

Paulit-ulit na isinisigaw ng mga supporters na hindi sila bayad, taliwas sa kumakalat na espekulasyon na may kanya-kanya di'umanong hakot ang sinumang mga kandidato.

Sinagot naman ito ng Presidential candidate Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

"Ang mga tagasuporta ng UniTeam ay naniniwala sa unity, hindi sila bayad."

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica