Norberto Gonzales, tuloy ang kandidatura sa kabila ng umano'y nagsasabing umatras na sila
- Tahasang sinabi ni Sec. Norberto Gonzales na mayroon umanong naghihimok sa kanila na umatras sa kanyang kandidatura sa pagka-pangulo
- Nakumpirma niyang maging ang ilan pang presidential candidates tulad nina Senator Ping Lacson at Senator Manny Pacquiao ay pareho niya ng karanasan
- Ito rin umano ang isa sa dahilan ng pagkakaroon nila ng joint press conference kasama ang iba pang mga presidentiables
- Aniya, dapat din umanong palitan na ang nasa number 2 sa survey gayung malayo na raw ang bilang nito sa nangunguna
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Diretsahang naibahagi ni Dating Secretary of National Defense at presidential candidate na si Norberto Gonzales ang umano'y nag-uudyok sa kanila na umatras sa kanilang kandidatura.
Nalaman ng KAMI na isa si Sec. Gonzales sa apat na presidentiables na sa joint press conference ngayong Abril 17 na ginanap sa The Peninsula Manila.
Ayon kay Gonzales, isang rason ng kanilang napagkasunduang pahayag ay ang umano'y kumukumbinsi sa kanilang i-withdraw ang kanilang kandidatura bagay na naranasan ng iba pang kapwa niya presidential candidates.
"Sinikap ko pang makausap si Senator Manny Pacquiao, 'yan ang una kong nakausap. Parang nagkaroon kami ng iisang karanasan na kami po ay medyo pinapaatras sa aming pagiging kandidato sa pagka-presidente. Meron pa kaming dalawa na shared na karanasan. At pagkatapos po noon ay nagkaita kami ni Senator Ping at para bang pareho rin ang aming naranasan tungkol sa ginagawa ng isa naming katunggali na kami ay paatrasin sa panganagampanya."
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"Nabanggit sa akin ni Senator Ping na nagkausap na pala sila ni Mayor (Isko) at ganoon din ang kanyang sentimiyento"
"Kaya po kami ay nagkasundo. Simple lang naman po ang aming pinagkaisahan sa aming statement. Wala pong aatras sa amin."
Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag:
Isa si dating secretary of National Defense Norberto Gonzales sa nakiisa sa joint press conference ng kapwa niya presidentiables na sina Manila Mayor Isko Moreno, Senator Ping Lacson at Sen. Manny Pacuiao na nakalagda sa kasunduan subalit hindi nakasipot sa mismong pagtitipon.
Sinasabing kaya nila ginawa ang nasabing joint press conference ay upang tuldukan pa rin ang mga umano'y bali-balitang magwi-withdraw na sila sa kandidatura.
Samantala, ang apat na pangalang nabanggit ay ang madalas din nating mapanood sa mga presidential interviews at debates.
Source: KAMI.com.gh