Dumalo sa Pampanga 'Leni-Kiko' campaign rally, umabot na sa 100,000

Dumalo sa Pampanga 'Leni-Kiko' campaign rally, umabot na sa 100,000

- Pumalo sa 100,000 ang mga nagsidalo sa 'Leni-Kiko' campaign rally sa Pampanga

- Sinasabing ito ang ikalawang pinakamalaking bilang na naitala sa mga naging campaign rally ni VP Leni Robredo kasama ang kanyang grupo

- Matatandaang 137,000 ang bilang ng mga dumalo sa PasigLaban noong Marso na pinakamataas sa ngayon sa lahat ng mga naging pagtitipon ng mga Kakampink

- Ang naturang pagtitipon din sa Pampanga ang unang campaign rally kung saan napanood si Nadine Lustre na nagtanghal at nagpakita ng suporta sa 'Leni-Kiko tandem'

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Umabot na sa 100,000 ang bilan ng mga dumalo sa 'Leni-Kiko' tandem sa Pampanga ngayong Abril 9.

Dumalo sa Pampanga 'Leni-Kiko' campaign rally, umabot na sa 100,000
Dumalo sa Pampanga 'Leni-Kiko' campaign rally, umabot na sa 100,000 (Photo: Robredo People's Council)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na sa Araw ng Kagitingan, nagtipon-tipon ang libo-libong Cabalen bilang pagsuporta sa kandidatura sa pagkapangulo ni Vice President Leni Robredo at running mate nitong si Senator Kiko Pangilinan sa pagka-bise Presidente.

Read also

Video ng flash mob ng mga Kakampink theater actors sa kalsada, viral

Sinasabing ito ang ikalawang pinakamataas na bilang na naitala sumunod sa 137,000 na mga 'Kakampink' na dumalo sa PasigLaban noong Marso 20.

Sa tinatayang 30 araw ng pagkampanya, isa ang 'Leni at Kiko tandem' gayundin ang mga senatoriables ng 'Tropang Angat' sa mga puspusan na ang pag-iikot sa iba't ibang bahagi ng bansa upang suyuin ang mga botante sa darating na Halalan sa Mayo 9.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang aerial shot sa Pampanga Campaign rally na ibinahagi ng Robredo People's Council:

Bukod sa mga ordinaryong mamamayan na boluntaryong nagpakita ng suporta sa 'Leni-Kiko tandem,' nadaragdagan din ang mga kilalang personalidad na sumusuporta sa kanila.

Kamakailan, nag-viral ang video na naibahagi ng mga theater actors at singers na sina Celeste Legaspi at Audie Gemora ng flash mob ng mga kapwa nila aktor bilang kampanya para kina VP Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan.

Read also

'Di tayo pwede' hitmaker, may banat sa mga umano'y 'magnanakaw at corrupt'

Unang nagpakita ng suporta sa mga Kakampink si Ely Buendia ng dating Eraserheads, Rivermaya, Ebe Dancel ng dating Sugarfree, Itchyworms, Dicta Licens, Kean Cipriano ng Callalily.

Parami rin ng parami umano ang mga celebrities na sumusuporta kay VP Leni tulad nina Jolina Magdangal, Julia Barretto, Cherrie Pie Picache at Edu Manzano, Pokwang at marami pang iba.

Samanatala, binisita rin ng grupo ni VP Leni ang Palawan kung saan napaindak pa ito sa Occidental Mindoro kasama ang mga 'Youth for Leni' at nagsayaw ng Mangyan traditional dance.

Bago pa ang pagtitipon sa Mindoro, ginanap naman ang maulang campaign rally ni VP Leni Robredo, running mate Senator Kiko at mga senatoriables ng 'Tropang Angat' sa Rizal. Sa kabila ng maghapong pag-ulan, dinagsa pa rin ito ng tinatayang 43,000 katao.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica