Larawan ni Tricia Robredo na nakipag-kamay sa BBM supporter, viral
- Viral ngayon ang larawan ni Tricia Robredo na nakipag-kamay sa isang BBM supporter
- Nagbabahay-bahay umano si Tricia sa Tondo, Maynila nang maabutan ang isang supporter na nakasuot pa ng t-shirt ng BBM-Sara tandem
- Nilarawan niyang 'pleasant' ang supporter at binati rin siya
- May pahabol pa raw ito na “hindi tayo ang nag-aaway” na magsilbing paalala sa lahat lalo na ngayong eleksyon
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Agaw-eksena ngayon sa social media ang larawan ni Dr. Tricia Robredo na nakipagkamay sa isang BBM supporter.
Nalaman ng KAMI na kuha umano ang larawan nang mag-house to house campaign sila sa Tondo, Manila Kamakailan.
Sa kanyang Twitter, naibahagi rin ni Tricia ang larawan at naikwento ang pangyayaring pumukaw sa puso ng marami.
"Hindi maco-convert lahat pero lumalapit pa rin para bumati, lalo na dahil nakikidaan lang tayo sa lugar nila. Nung lumapit ako kay Nanay, she was pleasant & she even greeted back," ang caption ng larawan.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
May pahabol pa umano ang nakamayang BBM supporter na "hindi tayo ang nag-aaway", na magsilbing paalala raw sa bawat isa lalong-lalo na sa darating na eleksyon.
Narito ang kabuuan ng post:
Si Dr. Tricia Robredo ang ikalawang anak ni Vice President Leni Robredo na kasalukuyang tumatakbo bilang pangulo ng Pilipinas sa darating na Eleksyon ngayong Mayo 2022. Ang panganay ding anak ni VP Leni ay katuwang niya sa pangangampanya at umiikot din sa iba't ibang bahagi ng bansa.
Kamakailan ay nag-viral din ang pagkikita ng dating jeepney driver na si Elmer Cordero at ni VP Leni sa CAMANAVA is Pink rally. Nagtungo talaga si Tatay Elmer sa Caloocan para ipakita ang suporta niya sa bise presidente na nakakwentuhan naman niya.
Matatandaang Oktubre 7 noong nakaraang taon nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na eleksyon sa Mayo ngayong 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.
Bago pa ang pagtitipon sa Tarlac na dinaluhan din ni Kris Aquino, dinaos din ang campaign rally sa Nueva Ecija na may 50,000 katao din ang dumalo. Gumawa rin ng ingay ang mga 'Kakampink' sa Pasig City kung saan umabot ng 137,000 ang dumalo sa People's rally ng grupo ni Robredo noong Marso 20.
Source: KAMI.com.gh