Larawan ng lolo at lola na matiyagang dumalo sa Pasig rally ng 'Leni-Kiko tandem', viral

Larawan ng lolo at lola na matiyagang dumalo sa Pasig rally ng 'Leni-Kiko tandem', viral

- Viral ang larawan ng lolo at lola na dumalo sa Pasig rally ng 'Leni-Kiko tandem'

- Sa kabila ng nasa mahigit 100,000 na dumalo, maityagang tumayo at nakiisa ang lolo at lola

- Suot ang kanilang pink na t-shirt, nakunan pa ng larawan ang lolo na sinusubukang mag-L sign bilang pagsuporta kay Leni

- Sa ngayon, ang Pasig ang may pinakamalaking bilang na dumalong Kakampink sa lahat ng naging campaign rally 'Leni-Kiko tandem'

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Agaw-pansin sa social media ang larawan ng lolo at lola na dumalo sa campaign rally ng Leni Robredo-Kiko Pangilinan tandem sa Pasig ngayong Marso 20.

Larawan ng lolo at lola na matiyagang dumalo sa Pasig rally ng 'Leni-Kiko tandem', viral
Larawan ng lolo at lola na matiyagang dumalo sa Pasig rally ng 'Leni-Kiko tandem', viral (@louAnn42878581)
Source: Twitter

Nalaman ng KAMI na mula pa alas dose ng tanghali sa nasabing araw, unti-unti nang dumadagsa ang mga 'Kakampink' upang makakuha ng magandang pwesto sa nasabing pagtitipon.

Sa larawang ibinahagi ng Twitter user na si @louAnn42878581 makikita ang larawan ng lolo at lola na nakasuot pa ng pink at matiyagang nakatayo habang nanonood ng mga kaganapan sa campaign rally.

Read also

Pag-awit ng Lupang Hinirang sa Pasig rally ng mga Kakampink, viral

Ang lola, sinusubukan pang mag-L bilang partisipasyon at suporta niya sa kampanya ni VP Leni Robredo sa kandidatura nito sa pagka-pangulo ng bansa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"In her old age she's trying to make L sign teary eye," ang mismong caption ng naturang tweet.

Samantala, nagpakita naman ng paghanga, pagmamalasakit, at paalala ang mga nagkomento sa post.

Narito ang ilan sa kanilang komento:

"Let's protect them ang dami taoooo ingat kayong lahat"
"Ipapanalo natin to para sa mga apo ninyo!"
"No amount of money can make the elderly and disabled people subject themselves to inconvenience and packed crowds. Yan ang spirit ng volunteerism kapag gusto talaga nila ipakita ang support at makita ang sinusuportahan nila."
"Bukod sa kantang Rosas, ito talaga ang nagpaiyak sakin sa Pasig Rally.

Bandang alas singko ng hapon ng March 20, tinatayang nasa 80,000 na katao na ang mga dumalo sa People's rally ng grupo ng 'Leni-Kiko tandem.' Umabot pa raw ito ng mahigit 140,000 na katao bago matapos ang pagtitipon.

Read also

Angel Locsin, nakikisaya sa crowd ng Pasig rally ng ng Leni-Kiko tandem

Sa drone shot, makikitang halos hindi mahulugang karayom ang Emerald Avenue sa Pasig na nagsimulang dumugin ng 'Leni-Kiko' supporters bandang alas-dose pa lamang ng tanghali.

Maging mga kilalang personalidad ay boluntaryong nagtungo at sumuporta sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo.

Isa na rito si Angel Locsin na umiikot sa lugar upang makipagkumustahan sa mga kapwa niya Kakampink na naroon.

Sina Robi Domingo, Julia Barretto at Melai Cantiveros ang mga host ng pagtitipon.

Nag-perform din si Jolina Magdangal ng sarili niyang bersyon ng 'Anak ng Pasig.'

At pinakaabangan din ang pag-awit ni Ebe Dancel, ng bandang Rivermaya at ng kapapahayag pa lamang na mga bagong 'Kakampink' na bandang Ben & Ben.

Nilinaw nilang lahat sila'y boluntaryong sumuporta at hindi tumanggap ng anumang kabayaran para rito.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Hot: