Rosmar, binigyang-diin na 'parcel packers' at hindi 'vloggers' ang kanyang hinahanap

Rosmar, binigyang-diin na 'parcel packers' at hindi 'vloggers' ang kanyang hinahanap

  • Umani ng iba’t ibang reaksiyon online ang alok na ₱1 kada packed parcel para sa mga naghahanap ng trabaho bilang parcel packer matapos ibahagi ng isang netizen ang kaniyang karanasan sa naturang trabaho
  • Ayon sa netizen, pitong oras siyang nagtrabaho at nakakuha umano ng ₱243 habang kabilang sa kaniyang mga gawain ang paggupit ng bubble wrap, paggamit ng tape at maingat na pagbabalot ng mga parcel
  • Bilang tugon, nilinaw ni Rosmar na kailangan nilang makahanap ng mga taong tututok sa pagpa-pack ng parcels at sinabi niyang maaaring maapektuhan ang dami ng matatapos kung gagamit ng cellphone habang nagtatrabaho
  • Ipinakita rin ni Rosmar ang posibilidad na lumaki ang kita batay sa dami ng parcel na matatapos ng isang worker, habang sinabi niyang layunin niyang makapagbigay ng trabaho sa mas maraming naghahanap ng oportunidad

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Naging usap-usapan ang naturang trabaho matapos magbahagi ang isang netizen ng kaniyang karanasan bilang parcel packer. Ayon sa kaniyang post, pitong oras siyang nagtrabaho at nakakuha umano ng ₱243.

Read also

Mag-iina sa Bulacan, may bagong detalye sa dashcam at huling biyahe

Rosmar, binigyang-diin na 'parcel packers' at hindi 'vloggers' ang kanyang hinahanap
Rosmar, binigyang-diin na 'parcel packers' at hindi 'vloggers' ang kanyang hinahanap (📷Rosemarie Tan Pamulaklakin/Facebook)
Source: Facebook

Ibinahagi rin ng netizen ang ilan sa mga gawain sa pagpa-pack, kabilang ang sariling paggupit ng bubble wrap, paggamit ng tape at pagbabalot ng mga parcel. Ayon pa sa kaniyang salaysay, nakaramdam siya ng pagod at gutom habang nagtatrabaho at umaasa sanang may maibigay na pagkain, kahit biscuits lamang.

Matapos kumalat ang kaniyang karanasan, nagbigay naman ng paliwanag si Rosmar tungkol sa sistema ng trabaho at sa mga inaasahan niya sa mga taong kukuha ng naturang trabaho.

Isa sa mga binigyang-diin niya ay ang pagbabawal sa paggamit ng cellphone habang nagtatrabaho.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“Kahit saang trabaho, bawal po mag-cellphone. Paano tayo makakarami ng trabaho kung panay cellphone?” ani Rosmar.

Ayon sa entrepreneur, mahalaga ang bilis at dami ng natatapos na parcel dahil nakabatay rito ang maaaring kitain ng isang parcel packer.

Nilinaw rin niya na ang kailangan nila ay mga manggagawa na tututok sa pagba-bubble wrap at pagpa-pack ng parcels, hindi mga taong gagawa ng content habang nasa trabaho.

Read also

Karen Bordador, binahagi ang karanasan sa pag-apply ng visa sa kabila ng nakaraan

“Taga balot po kailangan namin at hindi po vlogger,” saad niya.

Ipinaliwanag din ni Rosmar ang setup ng kanilang packing area. May nakalaan umanong lugar para sa mga manggagawa, ngunit dahil hindi kasya roon ang mahigit 60 katao, may ilan na nagbabalot sa ikalawang palapag.

May mga mesa at upuan din umano roon na maaaring gamitin ng mga worker habang isinasagawa ang kanilang trabaho.

Samantala, ipinakita rin ni Rosmar ang potensyal na kita batay sa dami ng parcel na kayang matapos ng isang worker sa loob ng isang araw.

Ayon sa kaniyang post, ang mga taga-pack ni Master Chinee ay nakakagawa umano ng 700 hanggang 1,000 parcels sa loob ng walong oras. Sa ganitong bilang, sinabi niyang maaaring lumaki ang kikitain depende sa bilis at dami ng parcel na matatapos.

Dito rin niya binigyang-diin ang kaniyang layunin na makapagbigay ng trabaho sa mas maraming tao, partikular sa mga nahihirapang makahanap ng employment.

Si Rosmar Tan o Rosemarie Tan ay isang entrepreneur at social media personality na nakilala sa pamamagitan ng kaniyang online content at iba't ibang negosyo. Sa paglipas ng mga taon, naging bahagi rin ng kaniyang public image ang pagbabahagi ng mga oportunidad sa trabaho at pagtulong sa ilang netizens.

Read also

Rosmar Tan, nag-upgrade sa parcel job: minimum rate garantisado

Madalas ding nagiging sentro ng usapan online ang kaniyang mga pahayag tungkol sa negosyo, employment at mga karanasan bilang employer.

Sa mga nakaraang buwan, ilang isyu rin na may kaugnayan sa kaniyang negosyo at online presence ang naging paksa ng mga ulat. Noong Mayo 2026, halimbawa, nagsalita siya tungkol sa reklamo ng pamilya ng isang yumaong staff at ipinaliwanag ang kaniyang panig sa naturang usapin.

Noong Hulyo naman, naging usap-usapan ang kaniyang pahayag tungkol sa naging palitan nila ng aktres na si Inah de Belen sa social media.

Sa usapin ng parcel packing job, nananatiling sentro ng kaniyang paliwanag ang sistema ng trabaho, dami ng parcel na maaaring matapos at ang posibilidad na kumita nang mas malaki ang worker kapag mas marami itong napapa-pack.

Samantala, habang nagpapatuloy ang diskusyon tungkol sa alok na trabaho, mayroon ding mga naunang ulat ng KAMI.com.ph tungkol sa iba pang naging pahayag at karanasan ni Rosmar na may kaugnayan sa trabaho at pagtulong sa mga naghahanap ng oportunidad.

Sa naunang ulat ng KAMI.com.ph, tampok ang naging pahayag ni Rosmar matapos umani ng reaksiyon ang alok na ₱1 kada parcel para sa mga naghahanap ng trabaho. Dito niya ipinaliwanag ang kaniyang panig tungkol sa naturang sistema at sa mga inaasahan niya sa mga parcel packer.

Read also

Shaira Diaz, may pakiusap sa netizens matapos ang mga komento sa kanya

Kasunod nito, iniulat din ng KAMI.com.ph ang naging pagbabago sa parcel packing job, kabilang ang pagbanggit sa minimum rate na umano’y garantisado. Nagbigay ito ng karagdagang detalye tungkol sa naging direksiyon ng naturang trabaho matapos pag-usapan online ang unang alok.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate