Suspek sa pagpatay sa dating OFW, nasawi matapos ang isang linggong paghahanap

Suspek sa pagpatay sa dating OFW, nasawi matapos ang isang linggong paghahanap

  • Pumanaw ang 34-anyos na prime suspect na kinilalang si alias "Melvin" matapos itong mahulog mula sa Atugan Bridge sa Impasug-ong, Bukidnon nitong Sabado ng gabi, August 8
  • Ang naturang lalaki ang pangunahing itinuturo ng mga awtoridad na may kinalaman sa pagkamatay ng isang female OFW na natagpuan sa pineapple plantation sa Libona noong August 3
  • Mabilis na naglunsad ng retrieval operation ang mga otoridad at responders sa bangin na may lalim na humigit-kumulang 65 meters matapos maalarma sa natanggap na ulat mula sa isang motorist
  • Idineklarang dead on arrival ang suspek nang madala ito sa Impasug-ong Rural Health Unit habang lumabas sa paunang imbestigasyon ng pulisya na nakipaginuman pa ito bago nagtungo sa tulay

Valencia City, Bukidnon — Natapos na ang isang linggong manhunt sa lalawigan ng Bukidnon matapos pumanaw ang prime suspect sa pagpatay sa isang dating overseas Filipino worker (OFW) noong Sabado ng gabi, August 8, sa bayan ng Impasug-ong.

Read also

92 baboy, nawawala pa rin matapos tumaob ang truck; pulis, nagbabala sa mga kumuha

Suspek sa pagpatay sa dating OFW, nasawi matapos ang isang linggong paghahanap
Suspek sa pagpatay sa dating OFW, nasawi matapos ang isang linggong paghahanap (📷Pixabay)
Source: Original

Ang 34-anyos na murder suspect, na kinilala ng mga mamamahayag at pulisya sa alyas na “Melvin,” ay pumanaw matapos mahulog mula sa Atugan Bridge. Idineklara siyang dead on arrival sa isang lokal na health facility kasunod ng isinagawang search and retrieval operation sa bangin na may lalim na humigit-kumulang 65 meters.

Si Melvin ang itinuturo ng mga awtoridad na pangunahing suspek sa pagpatay sa isang dating female OFW. Ang nabubulok na bangkay ng biktima ay unang natagpuan sa isang pineapple plantation sa bayan ng Libona noong August 3.

Ayon sa pahayag ni Capt. Keir Jhon Hallasgo, ang OIC chief ng Impasug-ong Municipal Police Station (MPS), nagmamando ng trapiko ang mga tauhan ng Revitalized Police Sa Barangay (RPSB) sa kahabaan ng Atugan Bridge sa Barangay Capitan Bayong bandang 6:20 p.m. noong Sabado nang may isang motorist na nag-ulat sa kanila. Ayon sa saksi, isang lalaki ang nag-park ng kanyang red-and-black Honda XRM 125 motorcycle at biglang tumalon mula sa nasabing tulay.

Read also

Babae sinita sa kalsada matapos mag-iwan ng kabaong kasama ang dalawang lalaki

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Agad na bumaba ang magkasanib na puwersa ng pulisya at local emergency responders sa ilalim ng mataas na tulay upang isagawa ang search and retrieval operation. Matapos marekober ang katawan ng lalaki, agad siyang isinugod sa Impasug-ong Rural Health Unit (RHU), kung saan siya ay idineklarang dead on arrival ng municipal health officer bandang 7:58 p.m.

Batay naman sa paunang imbestigasyon ng pulisya, nakita pa ang suspek sa Sitio Kiasin, Barangay Capitan Bayong na nakikipaginuman nang maigi bago ito nagmaneho papunta sa tulay kung saan nangyari ang insidente.

Ang Atugan Bridge sa Impasug-ong, Bukidnon ay kilala bilang isa sa mga pinakamataas na tulay sa buong Pilipinas na nag-uugnay sa mga pangunahing kalsada sa rehiyon. Ang mga nakapaligid na bayan tulad ng Libona at Impasug-ong ay mga agricultural area sa lalawigan na may malalawak na taniman ng pinya at iba pang pananim. Ang mabilis na pag-aksyon ng mga otoridad sa lugar ay bahagi ng patuloy na pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa mga komunidad sa Bukidnon.

Read also

Bangkok school shooting: 14-anyos, patay matapos barilin ang lolo’t lola at guro

Sa kabila ng malungkot na kaganapang ito sa Bukidnon, hindi ito ang unang pagkakataon na may mga naiulat na insidente ng pagtalon ng mga suspek habang sinusubukan nilang tumakas o harapin ang mga aksyon ng otoridad. Sa mga nakaraang buwan, nakatala ang Kami.com.ph ng mga katulad na ulat kung saan ang mga indibidwal na sangkot sa iba't ibang kaso ay naharap sa matinding panganib.

Sa isang naunang ulat ng Kami.com.ph, isang lalaki ang pumanaw matapos tumalon mula sa ikalawang palapag ng isang gusali habang sinusubukang tumakas umano sa isinasagawang Oplan Galugad ng mga pulis. Mabilis na isinugod sa pinakamalapit na pagamutan ang biktima ngunit hindi na ito nailigtas ng mga doktor dahil sa matinding pinsalang natamo sa kanyang katawan. Ang naturang kaganapan ay nagdulot ng malalim na imbestigasyon mula sa mga nakatalagang awtoridad upang matukoy ang buong katotohanan sa likod ng operasyon.

Samantala, naiulat din sa hiwalay na artikulo ng Kami.com.ph ang tungkol sa isang suspek sa Talisay, Batangas na tumalon naman mula sa isang balkonahe matapos siyang akusahan ng pangmomolestiya sa isang menor de edad. Agad na pinalibutan ng mga residente at barangay tanod ang lugar upang maaresto ang lalaki habang inaayos ang mga kaukulang dokumento at kaso laban sa kanya. Binigyang-diin sa ulat ang kahalagahan ng mabilis na pagresponde ng komunidad at ng pulisya upang mapanatili ang hustisya para sa mga biktima.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate