2-anyos na bata, patay matapos umano’y pananakit ng stepfather sa Biliran
- Pumanaw ang isang dalawang taong gulang na batang lalaki matapos magtamo ng matinding pinsala sa katawan at ulo sa Barangay Catmon, Naval, Biliran
- Naisugod pa ang musmos sa Biliran Provincial Hospital noong Agosto uno matapos matagpuang walang malay ngunit idineklara itong dead on arrival ng mga doktor
- Lumalabas sa imbestigasyon at mga testimonya ng mga saksi na ang 27-anyos na stepfather ng bata ang may kagagawan ng pananakit habang wala ang ina nito
- Mabilis na naaresto ng Naval Municipal Police Station at Biliran Police Provincial Office ang suspek na kasalukuyan nang nahaharap sa kasong murder
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Patay ang dalawang taong gulang na batang lalaki dahil sa mga tinamong suntok sa katawan at matinding pinsala sa ulo sa Naval, Biliran.

Source: UGC
Sa impormasyon mula sa Naval Municipal Police Station at Biliran Police Provincial Office, isinugod sa Biliran Provincial Hospital ang bata matapos matagpuang walang malay malapit sa kanilang bahay sa Barangay Catmon, Naval, Biliran noong Agosto uno. Dead on arrival na ang bata sa ospital, ayon sa PNP.
Sa imbestigasyon, lumabas na ang 27-anyos na stepfather ang may kagagawan sa pananakit sa bata base sa testimonya ng kanyang apat na taong gulang na kapatid at ilang testigo.
Ayon sa PNP, batay sa salaysay ng ilang testigo, dalawang beses na sinuntok ng suspek ang bata at itinulak ito dahilan para matumba at tumama sa bato ang kanyang ulo. Nagalit umano ang suspek dahil sa walang tigil na pag-iyak ng bata kaya sinaktan ito.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Wala ang nanay ng bata nang mangyari ang insidente ayon sa PNP. Agad namang naaresto ang suspek at nahaharap sa kasong murder.
Ang mga ganitong kalagayan at insidente ng karahasan sa loob ng tahanan ay patuloy na nagdudulot ng pangamba sa maraming pamayanan. Seryosong binabantayan ng mga awtoridad ang kapakanan ng mga bata upang maiwasan ang mga katulad na trahedya. Hangad ng lokal na pamahalaan at ng pulisya na magkaroon ng mas mahigpit na pagsubaybay sa seguridad ng bawat pamilya sa lalawigan.
Ang mga kaganapang tulad nito na kinasasangkutan ng kaligtasan ng mga musmos ay patuloy na sinusubaybayan ng publiko sa iba't ibang dako ng bansa. Sa isang naunang ulat sa Bata, natagpuang wala nang buhay; ina, iniimbestigahan sa Batangas, isang katulad na insidente ang inimbestigahan ng mga lokal na awtoridad upang matukoy ang tunay na nangyari sa biktima. Mabilis na kumilos ang pulisya upang makalap ang mga kinakailangang ebidensya at pahayag mula sa mga saksi. Nag-iwan ang pangyayaring ito ng paalala sa komunidad ukol sa kahalagahan ng pagprotekta sa mga bata.

Read also
Bangkay ng 2-anyos na si “Baby Rhea” natagpuan matapos ang siyam na araw na paghahanap sa Samar
Bukod dito, may isa pang ulat ukol sa paghahanap sa isang nawawalang musmos na umagaw sa atensyon ng marami. Sa balitang Bangkay ng 2-anyos na si Baby Rhea, natagpuan matapos ang siyam na araw na paghahanap sa Samar, matinding dalamhati ang sinapit ng pamilya matapos matagpuan ang labi ng bata sa isang malayang bahagi ng barangay. Nagsagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang mabigyang-linaw ang mga pangyayari bago ang pagkawala ng biktima. Ang mga insidenteng ito ay patuloy na nagpapaalala sa publiko na panatilihing ligtas ang mga kabataan sa lahat ng pagkakataon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh
