Sen. Erwin Tulfo, binanatan ang Meralco sa system loss charge sa Senate hearing

Sen. Erwin Tulfo, binanatan ang Meralco sa system loss charge sa Senate hearing

  • Uminit ang pagdinig ng Senate Committee on Energy nitong Hulyo 30 matapos direktang kuwestiyunin ni Senador Erwin Tulfo ang depensa ng Meralco hinggil sa patuloy na pagpapasa ng system loss charge sa mga consumer
  • Binigyang-diin ng senador na hindi dapat ipinapasa sa buwanang bill ng mga ordinaryong mamamayan ang risk at pagkalugi ng isang pribadong kumpanya na nanggagaling sa mga illegal connection o jumper
  • Ipinaliwanag ng Meralco na ang paggawa ng zero sa non-technical system losses ay maaaring magdulot ng mas malaking gastos sa pagsugpo ng pagnanakaw ng kuryente na maaari ring makaapekto sa serbisyo
  • Mariing sinabi ng chairman ng komite na ang paghabol sa mga pagnanakaw at pagsasaayos ng operasyon ay responsibilidad ng power distributor bilang isang negosyo at hindi ng kanilang mga customer

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nagliyab ang pagdinig ng Senate Committee on Energy nitong Hulyo 30 matapos harapang kuwestiyunin ni Sen. Erwin Tulfo, chairman ng komite, ang depensa ng Meralco sa kontrobersyal na system loss charge na matagal nang ipinapasa sa buwanang bill ng milyon-milyong electric consumers.

Read also

53-anyos na lalaki, inaresto sa Marikina matapos ang pang-aabuso sa menor de edad

Sen. Erwin Tulfo, binanatan ang Meralco sa system loss charge sa Senate hearing
Sen. Erwin Tulfo, binanatan ang Meralco sa system loss charge sa Senate hearing (đź“·Erwin Tulfo/Facebook)
Source: Facebook

Ayon kay Tulfo, maging si Meralco Chairman Manuel V. Pangilinan ay nagpahiwatig na maaaring malugi ang power distributor kung tuluyang aalisin ang nasabing charge. Lalo pang uminit ang hearing nang ipaliwanag ng kinatawan ng Meralco kung bakit hindi praktikal na gawing zero ang non-technical system losses.

Iginiit ng Meralco na kung sila ang sasalo sa buong gastos laban sa electricity theft, maaari itong bumalik sa consumers sa ibang paraan. Ngunit mariin itong tinanggihan ni Tulfo.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"I totally disagree with you. You're a business, yes. At the same time, you're catering to public service," pahayag ng senador. Ipinaalala niya na normal sa anumang negosyo ang magkaroon ng pagkalugi. "Business, sir, ay may losses. Dapat you have to be prepared for that. Pinag-aralan ko 'yan sa eskwelahan. Normal sa isang negosyo ang magkaroon ng losses at dapat meron kayong allowance for losses."

Binatikos din niya ang ideya na ang dagdag na gastos sa paghabol sa mga jumper ay ipinapasa sa publiko.

Read also

Klarisse De Guzman, may nakakaaliw na komento sa graduation post ni Angeline Quinto

Dahil dito, nagbitiw ng matalim na pahayag ang senador: "Bakit kami lagi? Kayo, wala na ba kayong sasagutin na losses? Puro na lang sa tao ang pass-on. Lahat na lang pinapass on. Napakagandang negosyo pala nito. Sana nagtayo na lang ako ng electric company—generation at distribution. Napakasarap pala ng negosyo nito. Walang losses."

Dagdag pa niya, ang bawat dagdag-singil ay tumatama sa ordinaryong pamilya. "Hindi tayo mayamang bansa. Yung sinisingil ninyo na ₱360, malaking halaga na 'yan. Imbes na pambili ng pagkain, kailangan pang ibayad sa kuryente."

Pagtatapos ni Tulfo: "Huwag ninyong sabihin na tataas na naman ang sisingilin sa consumer. Bakit sa amin? Bakit kami lagi ang sasalo? Problema ninyo 'yan. That is your business. Hindi kami parte ng Meralco."

Si Erwin Tulfo ay isang kilalang mamamahayag at kasalukuyang senador ng Pilipinas na namumuno sa Senate Committee on Energy. Bago siya naging senador, naglingkod muna siya bilang kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Sa kanyang career sa media at gobyerno, kilala siya sa kanyang matapang at direktang pangkikipaglaban para sa kapakanan ng mga ordinaryong mamamayan.

Hindi ito ang unang pagkakataon na naging matapang at palaban ang senador sa mga usapin sa Senado.

Kamakailan, nagkaroon din ng matinding palitan ng opinyon sa kaparehong venue kung saan si Senator Erwin Tulfo, Wack Wack Greenhills officials ay engaged in heated exchange over condo project. Sa nasabing pagdinig, mariing ipinaglaban ng senador ang hinaing ng mga residenteng naapektuhan ng kontrobersyal na proyekto sa lugar.

Read also

Titser, binawian ng buhay matapos umano’y suntukin ng 19-anyos sa Aklan

Bukod dito, mabilis din niyang ipinagtanggol ang kanyang panig nang si Erwin Tulfo bumuwelta kay Pia Cayetano sa walang kumusta na pahayag sa Senado. Sa ulat na ito, ipinakita ng senador ang kanyang matibay na stand sa gitna ng talakayan at argumento ng kanyang mga kapwa mambabatas.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: