Veybillyn Gorens, naglabas ng screenshots laban kay Jomar Lovena
- Naglabas ng screenshots si Veybillyn Gorens bilang sagot sa pahayag ni Jomar Lovena
- Ayon kay Veybillyn, 2022 nilalayaasan siya para magdroga at mambabae
- Sinabi rin niyang 2020 pa nagchecheat si Jomar at 2023 siya ay nakipaghiwalay
- Matatandaang nagsalita na si Jomar tungkol sa kanilang on and off na relasyon
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Naglabas ng screenshots si Veybillyn Gorens bilang tugon sa naging pahayag ng kanyang dating partner na si Jomar Lovena. Sa kanyang post, idinetalye ni Veybillyn ang mga karanasan niya sa kanilang relasyon, kabilang ang mga taon kung kailan umano siya nilalayasan at kung paano siya tinrato.

Source: Facebook
“2022 nilalayaasan ako para mag drvgs at mambabae. sakin pa sinisisi lahat. LARO KA KUYA AYUSIN MO PAG DIDIREK MO. 2020 nag checheat na sya KAYA PALA GANYAN NYAKO TRATUHIN. 2023 kumausap ako ng iba kasi nakipag hiwalay sya NEVER AKO NAG CHEAT and nagmakaawa ako sakanya ayaw nya na raw.”

Source: Facebook
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Source: Facebook
Matatandaang nagsalita na si Jomar Lovena kaugnay sa pahayag ng kanyang dating partner. Ayon kay Jomar, nagkaroon siya ng pagkakamali sa kanilang relasyon at humingi ng dispensa, ngunit nilinaw niyang matagal nang alam ng kanyang ex ang tungkol dito at hindi ito bagong isyu.
Ikinuwento rin ni Jomar na naging on and off ang kanilang relasyon nitong mga nakaraang taon. Madalas umano nilang pinag-aawayan ang tungkol sa kanyang unang anak, dahilan para piliin niyang tiisin at padalhan na lamang ng pangangailangan upang maiwasan ang alitan.
Noong Mayo 2023, nagsimula ang kanilang problema nang mag-post si Veybillyn tungkol sa dati nilang kasama sa vlog. Ayon kay Jomar, kinausap nila ng kanyang ina ang naturang tao dahil posibleng mauwi sa kaso ang post. Matapos nito ay naghiwalay sila, at inamin ng ex na nakipagkita siya sa ibang lalaki. Bagama’t nasaktan, pinilit ni Jomar na ayusin ang kanilang pamilya.
Noong Agosto 2023, may nabasa umano si Jomar sa social media ng ex na nagdulot ng mas malaking problema. Naglabas siya ng mga screenshot at video ng ex kasama ang hindi pinangalanang lalaki. Dahil dito, nauwi sila sa co-parenting at tuluyan nang naghiwalay. Inamin ni Jomar na napunta siya sa pagbibisyo at nagloko, ngunit nilinaw na mali ang kanyang naging desisyon.
Noong 2024, sinubukan nilang ayusin ang kanilang pamilya, ngunit noong 2025 ay muling lumabas ang isyu nang aminin ni Jomar ang kanyang mga nagawa. Nagkapatawaran sila at naging maayos, ngunit noong 2026 ay tuluyan na silang naghiwalay. Ayon kay Jomar, hindi niya alam kung ano ang nagtulak sa kanyang ex para muling ilabas ang mga nasabi niya.
Si Jomar Lovena ay kilalang social media personality, vlogger, at aktor na madalas gumagawa ng prank videos at iba’t ibang online content. Nakilala rin siya sa kanyang relasyon kay Veybillyn Gorens, na naging tampok sa ilang vlogs at social media posts. Ang kanilang relasyon ay naging usap-usapan sa publiko dahil sa mga isyung personal na kanilang ibinahagi online.
Sa isang artikulo ng Kami, nilinaw ni Jomar na wala umanong namamagitan sa kanila ni Sachzna Laparan. Ipinaliwanag niya na walang dapat isipin ang publiko tungkol sa kanilang samahan at nanindigan na walang ibang tao sa likod ng kanilang hiwalayan.
Sa isa pang ulat, sinabi ni Jomar na sa kanilang relasyon ni Veybillyn, wala nang dapat sisihin kundi siya. Ayon sa kanya, inamin niya ang kanyang pagkakamali at nilinaw na wala nang ibang tao ang sangkot sa kanilang problema.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

