Remulla, personal na humingi ng tawad sa kontrobersyal na natiketan sa Mandaluyong

Remulla, personal na humingi ng tawad sa kontrobersyal na natiketan sa Mandaluyong

  • Personal na pinuntahan ni DILG Sec. Jonvic Remulla ang lalaking natiketan sa Mandaluyong
  • Humingi siya ng dispensa at inamin na nagkulang sa paglilinaw ng Safer Cities Initiative
  • Nagpaliwanag si Remulla na masyado lang naging ganado ang mga pulis sa pagpapatupad ng patakaran
  • Sumagot din ang asawa ng lalaki at iginiit na dapat ay warning muna bago ticket agad

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Personal na pinuntahan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ang lalaking natiketan sa Barangay Addition Hills, Mandaluyong City. Sa isang video na inilabas ng ABS-CBN News nitong Abril 15, makikitang magkasama na sa isang silya si Remulla at ang lalaking naging sentro ng kontrobersya.

Remulla, personal na humingi ng tawad sa kontrobersyal na natiketan sa Mandaluyong
Remulla, personal na humingi ng tawad sa kontrobersyal na natiketan sa Mandaluyong (📷Jonvic Remulla/Facebook)
Source: Facebook

Matatandaang noong Abril 13, nangako si Remulla na pupunta mismo sa tahanan ng lalaki upang humingi ng tawad. “Ako po’y humihingi ng paumanhin at pupuntahan ko po siya sa mga susunod na araw. Sasabihin ko na ako na po ang hihingi ng paumanhin. It was my fault that I did not give clearer instructions on how to do the Safer Cities Initiative. Nagkulang po ako doon,” ani Remulla.

Read also

Rob Sy, umalma sa reklamong bullying sa kanyang anak

Sa kanyang paliwanag, inamin ng kalihim na hindi niya naipaliwanag nang maayos ang mga patakaran ng kanilang inisyatiba. “Kasalanan ko kasi yan kasi hindi ko naklaro sa kanila kung ano talaga ang mga patakaran. Syempre alam ko naman na ang nagtatrabaho dito, mainit [at] magtatanggal ka talaga ng t-shirt,” dagdag pa niya.

Depensa ni Remulla, masyado lang naging masigasig ang mga pulis sa pagpapatupad ng Safer Cities Initiative. “Syempre ganado ang mga bata natin, e. Ganado masyado kaya sabi ko, ‘Easy muna,’” aniya. Ipinaliwanag pa niya na layunin ng programa na maiwasan ang gulo at masiguro ang kaligtasan ng mga residente. “Kasi lalo na dito sa lugar n’yo, maraming nagkakasakitan dito, ‘di ba? Kaya dito, pinipilit namin na walang inuman, ‘yong mga bata [ay] pinapauwi namin nang maaga, para naman sa lahat ‘yan, e,” paliwanag ng kalihim.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Samantala, nagsalita rin ang asawa ng lalaki na si Ginang Norietta Lanquino, na kamakailan ay nag-viral sa social media dahil sa kanyang pagdepensa sa mister. “Hindi naman po kami against talaga doon. Nag-react lang po talaga ako kasi… kumbaga dapat po warning talaga, ‘di ba? Ticket po kasi agad,” ani Aling Norietta.

Tugon naman ni Remulla, “Dala ng ano ‘yan, dala ng ganado lang. Pero hindi naman personal ‘yon. Hindi ka naman kilala ng mga ‘yon, ‘di ba?” Dagdag pa niya, dapat mapansin ng mga residente na mas naging tahimik na ang kanilang barangay. “Pero para sa lahat talaga ‘yan. Wala ba kayong napansin, tumahimik na ang barangay ninyo? Umunti na ang gulo rito, ‘di ba? Mga bata, umuuwi na nang maaga, wala nang nag-iinom sa kalye. Doon nag-uumpisa ang lahat, e,” ani Remulla.

Read also

PBBM, nagsalita laban sa mga maling balita sa kanyang kalusugan

Sa huli, tiniyak ng kalihim na ang kanilang inisyatiba ay hindi laban sa mga nagtatrabaho kundi sa mga tambay na nagdudulot ng gulo. “Basta nagtatrabaho, puwede. Pero ‘yong mga tambay na nalabas lang diyan, bawal ‘yun,” pagtatapos ni Remulla.

DILG Secretary Jonvic Remulla confirms child unplanned victim in police officers’ slay Sa artikulong ito, kinumpirma ni Remulla na isang bata ang nadamay sa insidente ng pamamaril na kinasangkutan ng mga pulis. Ipinaliwanag niya ang kahalagahan ng mas mahigpit na regulasyon upang maiwasan ang ganitong trahedya.

DILG Sec. Jonvic Remulla humingi ng dispensa sa lalaking naghahalo lang ng semento na natiketan Sa naunang ulat, humingi ng paumanhin si Remulla sa publiko at inamin ang kanyang pagkukulang sa paglilinaw ng mga patakaran ng Safer Cities Initiative. Ito ang naging simula ng kanyang pangakong personal na pupunta sa tahanan ng lalaki.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate