Marcos Jr., nagsalita laban sa mga maling balita sa kanyang kalusugan
- Nagpakitang gilas si President Ferdinand Marcos Jr. sa pamamagitan ng jumping jacks sa press briefing upang patunayan na siya ay nasa mabuting kalusugan
- Itinanggi ng Pangulo ang mga kumakalat na tsismis sa social media na siya ay may malubhang sakit at baldado na umano
- Ayon kay Marcos Jr., nakabalik na siya sa normal na diet at routine matapos gumaling sa diverticulitis, at maintenance medicines lamang para sa gout at hypertension ang iniinom niya
- Mariin ding itinanggi ng Malacañang ang pahayag ni Senator Imee Marcos na matagal nang may sakit ang Pangulo, at tinawag itong fake news
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nagpakitang gilas si President Ferdinand Marcos Jr. nitong Lunes sa Malacañang matapos niyang gawin ang jumping jacks sa harap ng media bilang sagot sa mga kumakalat na tsismis tungkol sa kanyang kalusugan. “I challenge anyone who is saying that I am sick, that they come and exercise with me... Tingnan natin kung sinong mas malakas magbuhat ng weight,” ani ng Pangulo.

Read also
DILG Sec Jonvic Remulla, humingi ng dispensa sa lalaking naghahalo lang ng semento na natiketan

Source: Youtube
Mariin niyang itinanggi ang mga balitang kumakalat sa social media na siya ay may stage 4 cancer o baldado na umano. “Yung mga taong 'yan na nagsabi sa inyong may sakit ako, na baldado na ako, ngayon alam ninyo puro sinungaling 'yang mga 'yan,” dagdag pa niya.
Ayon kay Marcos Jr., huli siyang pumunta sa ospital dalawang o tatlong buwan na ang nakalipas para sa CT scan na nagpatunay na tuluyan na siyang gumaling mula sa diverticulitis. Sinabi rin niyang nakabalik na siya sa normal na diet at ang iniinom na lamang ay maintenance medicines para sa gout at hypertension. “I am happy to say that I am healthy. You want me to do more jumping jacks? Army dozen, I can do the army dozen [exercise],” biro pa niya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Samantala, itinanggi ng Malacañang ang pahayag ni Senator Imee Marcos na matagal nang may sakit ang Pangulo. Ayon kay Palace press officer Claire Castro, matagal nang hindi nagkikita ang magkapatid kaya’t walang alam si Imee sa tunay na kalagayan ng Pangulo. “What she said is fake news,” ani Castro.
Dagdag pa ng Presidential Communications Office (PCO), nakapagtala sila ng biglaang pagdami ng disinformation sa social media tungkol sa kalusugan ng Pangulo. Ayon kay PCO Secretary Dave Gomez, layunin ng mga maling impormasyon na “distract and destabilize” ang pamahalaan.
Si Ferdinand Marcos Jr. ay kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas mula 2022. Noong Enero, siya ay na-admit sa ospital dahil sa diverticulitis ngunit agad ding gumaling. Sa mga nakaraang buwan, naging sentro ng mga tsismis ang kanyang kalusugan, na mariin namang itinanggi ng Malacañang. Ang kanyang pagharap sa publiko at pagpapakita ng sigla ay bahagi ng pagsugpo sa mga maling balita na kumakalat online.
Malacañang nilinaw: Marcos Jr. nasa mabuting kalusugan Mariing itinanggi ng Malacañang ang mga kumakalat na tsismis tungkol sa kalusugan ng Pangulo. Ayon sa opisyal, nasa mabuting kalusugan si Marcos Jr. at patuloy na gumaganap sa kanyang tungkulin bilang Pangulo.
Marcos denies health rumors, says he’s back to regular routine Itinanggi mismo ni Marcos Jr. ang mga balitang may malubha siyang sakit. Sinabi niyang nakabalik na siya sa kanyang regular routine at nasa maayos na kalusugan.
Ang mga balitang ito ay nagpapakita ng patuloy na pagtutol ng pamahalaan sa mga kumakalat na maling impormasyon tungkol sa kalusugan ng Pangulo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

