29-anyos, patay matapos sitahin ang ingay sa plaza ng Leganes

29-anyos, patay matapos sitahin ang ingay sa plaza ng Leganes

  • Isang binata ang natagpuang patay sa plaza ng Leganes, Iloilo matapos ang komosyon
  • Tatlong suspek ang sangkot, kabilang ang dalawang menor de edad, ayon sa pulisya
  • Isa sa mga suspek, 19-anyos, ay naaresto matapos kilalanin ng mga saksi
  • Biktima ay kinilalang si Jhomel Alejandro, 29, mula Aklan, na pansamantalang nanirahan sa Jaro, Iloilo

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Isang trahedya ang naganap sa bayan ng Leganes, Iloilo matapos na mauwi sa kamatayan ang simpleng pagsita sa ingay. Kinilala ng mga awtoridad ang biktima na si Jhomel Alejandro, 29-anyos, mula Kalibo, Aklan, na pansamantalang naninirahan sa Barangay Democracia, Jaro, Iloilo.

29-anyos, patay matapos sitahin ang ingay sa plaza ng Leganes
29-anyos, patay matapos sitahin ang ingay sa plaza ng Leganes (📷Pixabay)
Source: Original

Ayon sa imbestigasyon, nag-umpisa ang komosyon sa pavilion sa entrada ng plaza ng Leganes bandang alas-3 ng hapon noong Abril 8. Base sa CCTV footage, nagkaroon ng gulo matapos sitahin ng biktima ang tatlong kabataan dahil sa kanilang pagiging maingay. Makalipas ang dalawang oras, natagpuan na ang katawan ni Alejandro sa parehong lugar.

Isa sa mga suspek na si Mark Joven Espeja, 19-anyos mula Barangay Cagamutan Sur, Leganes, ay agad na naaresto sa kanilang bahay matapos kilalanin ng mga saksi. Ayon kay Cpl. Joefel Amihan ng Leganes Municipal Police Station, si Espeja umano ang nag-udyok sa kanyang mga kasama na pag-tripan ang biktima. “Pinagsabihan raw sila ng biktima na huwag maingay kasi matutulog na ang biktima sa itaas. Umoo naman ang ating arrested na suspek. Tapos sinabi niya raw sa witness natin at mga suspek na kasama niya na, ano, pag-tripan natin,” ani Amihan.

Read also

Dalaga sa Occidental Mindoro, natagpuang wala nang buhay matapos ang ilang araw na pagkawala

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dagdag pa ng pulisya, sasampahan ng kasong murder ang mga suspek. “Sasampahan natin sila (ng reklamo). Ang ating suspek na arrested for inquest proceedings, sasampahan sila ng (reklamo) murder,” ayon kay Amihan.

Lumabas din sa imbestigasyon na ilang araw nang gumagala si Alejandro sa Leganes matapos umalis sa bahay ng kanyang employer sa Jaro. Ang kanyang employer ang nakapagtukoy sa kanya nang positibo.

Si Mark Joven Espeja, 19-anyos, ay nahaharap ngayon sa mabigat na kasong murder. Ang inquest proceedings ay magsisimula upang pormal na ihain ang reklamo laban sa kanya. Dahil sa kanyang edad, siya ay mananagot bilang isang ganap na nasa hustong gulang sa ilalim ng batas. Samantala, ang dalawang menor de edad na kasama niya ay isasailalim sa proseso ng juvenile justice system, kung saan titingnan kung sila ay dapat ilagay sa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) o sa Bahay Pag-asa. Ang kasong ito ay inaasahang magiging mahaba at masalimuot, lalo na’t may mga menor de edad na sangkot. Ang testimonya ng mga saksi at ang CCTV footage ang magiging pangunahing ebidensya laban sa kanila.

Read also

Mayor Isko, pinayuhan ang biktima na magsampa ng kaso laban sa mga suspek

Misis patay matapos saksakin ng mister sa Rizal; suspek, 15-anyos na anak, kritikal Isang ina ang nasawi matapos saksakin ng sariling mister sa Rizal. Sa parehong insidente, kritikal ang kalagayan ng kanilang menor de edad na anak. Nagdulot ito ng matinding pagkabigla sa komunidad at muling nagbigay-diin sa usapin ng karahasan sa loob ng pamilya.

“Napakahayop po”: Anak ng mag-asawang pinaslang dahil sa lupa, nasaksihan ang pamamaril Isang anak ang nakasaksi sa pamamaril sa kanyang mga magulang kaugnay ng alitan sa lupa. Ang insidente ay nagdulot ng matinding emosyon at galit mula sa publiko, na muling nagpapaalala sa matinding epekto ng mga personal na alitan na nauuwi sa karahasan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate