Mahigit 80 katao natiketan sa Oplan Galugad ng QCPD
- Mahigit 80 katao nahuli sa Oplan Galugad ng QCPD sa Quezon City
- Pinakamarami ang lumabag sa La Loma Police Station 1 na umabot sa 54 katao
- Mga menor de edad kabilang sa nahuli sa curfew sa Novaliches
- QCPD nagpaalala ng multa sa mga lumalabag sa ordinansa ng lungsod
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Mahigit 80 katao ang nahuli at natiketan ng Quezon City Police District (QCPD) sa isinagawang Oplan Galugad noong Lunes ng gabi, Abril 6, sa iba’t ibang barangay sa Quezon City.

Source: UGC
Sa kabuuang 87 na nadakip, pinakamarami ang naitala sa ilalim ng La Loma Police Station 1 nang galugarin ang Barangay Apolonio Samson at Barangay Manresa. Umabot sa 54 ang lumabag, kabilang ang 34 na may traffic violations, 13 na walang damit pang-itaas, at pito na lumabag sa curfew.
Sa Barangay Gulod, Novaliches, 25 ang natiketan kabilang ang 19 na menor de edad. Samantala, walong lalaki ang nahuli sa Cubao Station 7 dahil sa kawalan ng suot na pang-itaas sa publiko.

Read also
“Napakahayop po”: Anak ng mag-asawang pinaslang dahil sa away sa lupa, nasaksihan ang pamamaril
Isang 33-anyos na lalaki sa Barangay Gulod ang dinampot habang umiinom sa labas ng kaniyang bahay. “Nahuli po ako umiinom mag-isa… Alam ko naman, nabasa ko na… Kaso po nung nag-inom ako, paakyat na po ako, nasaktuhan po ako,” paliwanag nito.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Puno ng pangamba naman ang isang 35-anyos na ina matapos dalhin sa barangay ang kaniyang tatlong anak na babae na may edad 14, 16, at 17 dahil sa paglabag sa curfew. “Ang masasabi ko, sana wala nang babayaran… Sinabihan ko sila lagi na ‘pag gabi na, umuwi na kayo sa bahay,” hinaing ng ina.
Ayon kay Brig. Gen. Randy Glenn Silvio, District Director ng QCPD, ang operasyon ay bahagi ng mas pinaigting na direktiba mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) upang maiwasan ang mga krimen. Siniguro rin ng opisyal na ang mga menor de edad ay ituturn-over sa mga magulang o barangay officials. “Kapag minor, hintayin natin ‘yung mga guardians. ‘Pag walang magulang, ang barangay officials na po,” dagdag pa niya.
Ipinaalala ng QCPD ang mga multa sa ilalim ng mga ordinansa ng lungsod:
- P5,000 para sa pag-inom sa publiko
- P2,000 para sa curfew (10:00 p.m. to 5:00 a.m.)
- P1,000 para sa kawalan ng damit pang-itaas
- P1,000 para sa paggamit ng karaoke o pagdudulot ng ingay sa gabi
Nanawagan din si Silvio sa mga “QCitizens” na makipagtulungan at tumawag sa 911 o 122 kung may emergency para agad na makaresponde ang kapulisan.
Ang Oplan Galugad ay isa sa mga regular na operasyon ng QCPD na layong tiyakin ang kaligtasan ng publiko at pagpapatupad ng mga ordinansa ng lungsod. Sa pamamagitan ng ganitong operasyon, mas mabilis na natutukoy ang mga lumalabag sa batas at naiiwasan ang posibleng krimen sa komunidad.
Jeepney driver nagkaroon ng seizure habang nakapila para sa P5,000 ayuda sa Quezon City Isang jeepney driver ang biglang nagkaroon ng seizure habang nakapila para sa ayuda sa Quezon City. Agad siyang dinala sa ospital at nagdulot ng pag-aalala sa mga kapwa benepisyaryo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh
