“Napakahayop po”: Anak ng mag-asawang pinaslang dahil sa away sa lupa, nasaksihan ang pamamaril

“Napakahayop po”: Anak ng mag-asawang pinaslang dahil sa away sa lupa, nasaksihan ang pamamaril

  • Anak ng mag-asawa nagsalita matapos ang trahedya sa Caloocan
  • Mag-asawa nasawi sa pamamaril kaugnay ng alitan sa lupa
  • Suspek na senior citizen, presidente ng homeowners association, agad naaresto
  • Pamilya nanawagan ng hustisya at tulong sa mga awtoridad

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Matinding hinagpis ang nararamdaman ng anak ng mag-asawang sina Ronald at Leonora Abonitalla matapos ang trahedya sa Sitio Silanganan, Barangay 167, Llano, Caloocan City nitong Linggo, Abril 5, 2026.

“Napakahayop po”: Anak ng mag-asawang pinaslang dahil sa away sa lupa, nasaksihan ang pamamaril
“Napakahayop po”: Anak ng mag-asawang pinaslang dahil sa away sa lupa, nasaksihan ang pamamaril (📷Pixabay)
Source: Original

Sa kuha ng CCTV, dinig ang sigawan at sunod-sunod na putok ng baril. Makikita rin ang isang babae na iika-ikang naglalakad patungo sa barangay, kasunod ang apat na tao kabilang ang suspek na may hawak na baril.

Ayon kay Maynor Abonitalla, anak ng mga biktima, matagal nang nagbabanta ang suspek sa kaniyang mga magulang. “Nagbitaw po siya ng salitang ‘Tama ‘yan, bantayan niyo ‘yang mga lote niyo, baka mawala.’ … Nagbitaw pa po siya ng salita na ‘mawawala na kayo’ bago pa siya tumalikod,” ani Maynor.

Read also

Carlo Aquino nag-react sa mga tren ng MRT-7: “Nabulok na lang”

Maging ang pamangkin ng mga biktima na si Luz Clarita Notarte ay pumagitna sa tumataas na tensyon. “‘Yung gunman, nagdadaldal na po agad… ayaw pa nila papigi kasi gusto raw nila ubusan ng lahi,” aniya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nang ipagtanggol ni Ronald ang kaniyang misis, dito na nagsimula ang pamamaril. “Tumayo po siya, ‘Anong ginagawa mo sa asawa ko? Bakit mo ginaganyan?’… Kinuha niya po ‘yung baril tapos tinutok niya agad,” kuwento ni Notarte.

Matinding trauma ang sinapit ng mga kaanak na nakasaksi. “Nablangko po ‘yung utak ko… paulit-ulit na po ‘yung pagpapaputok sa magulang ko. Hindi ko po kaya, napakahayop po, hindi makatao,” pahayag ni Maynor.

Agad naaresto ng pulisya ang suspek na tatakas sana sakay ng motorsiklo. Narekober sa kaniya ang isang lisensyadong kalibre .45 na baril. Ayon kay Police Colonel Joey Goforth, ugat ng krimen ang alitan sa lupa. “We assure po na mabibigyan ng hustisya itong mga biktima natin,” aniya.

Sa panig ng suspek, iginiit niyang pagod na rin siya sa sigalot. “Hindi ko masabing kasalanan ko sir… Nakakalungkot sir, nakikiramay din ako,” pahayag niya.

Nanawagan si Maynor kay Senator Robin Padilla para sa mabilis na hustisya, lalo’t Muslim ang kaniyang ina na agad na inilibing. Samantala, ang labi ni Ronald ay nasa funeral parlor pa dahil sa kakulangan ng pondo ng pamilya.

Read also

Toni Fowler, nagsalita matapos akusahan ng pagiging “masyadong tipid” sa anak

Ang away sa lupa ay isa sa mga karaniwang ugat ng matinding sigalot sa mga komunidad. Sa kasong ito, ang suspek ay presidente ng homeowners association na umano’y gustong kunin ang lupa ng mga biktima. Ang ganitong uri ng alitan ay madalas humahantong sa matinding tensyon, na sa pagkakataong ito ay nauwi sa trahedya.

94-taong gulang na lola, suspek di umano sa pamamaslang ng sarili niyang anak Isang nakagugulat na kaso ang lumabas kung saan isang 94-anyos na lola ang itinuturong suspek sa pamamaslang ng sariling anak. Nagdulot ito ng matinding usapan sa komunidad dahil sa edad ng suspek at ang bigat ng paratang laban sa kaniya.

Mainit na pagtatalo nauwi sa pamamaril sa Pasig City Isang mainit na pagtatalo sa Pasig City ang nauwi sa pamamaril, na muling nagbigay-diin sa panganib ng mga sigalot na hindi agad nareresolba. Ang insidente ay nagdulot ng takot at pangamba sa mga residente ng lugar.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate