Bayanihan sa Zamboanga del Sur, nauwi sa hindi inaasahang insidente

Bayanihan sa Zamboanga del Sur, nauwi sa hindi inaasahang insidente

  • Apat na katao kabilang ang ilang opisyal ng barangay ang nasugatan matapos gumuho ang isang lumang bahay habang inililipat sa Midsalip, Zamboanga del Sur noong Marso 21
  • Naganap ang insidente sa Barangay Matalang dakong alas-10 ng umaga habang isinasagawa ng mga residente ang tradisyunal na paglilipat ng bahay o bayanihan
  • Dinala sa ospital ang barangay chairman, isang kagawad, tanod, at isa pang empleyado ng barangay matapos magtamo ng mga seryosong pinsala sa katawan
  • Kasalukuyan nang iniimbestigahan ng mga otoridad ang sanhi ng pagguho ng bahay na sinasabing may mga bahagi na palang marupok at hindi agad napansin ng mga tumulong

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Isang tradisyon na sana ng pagtutulungan ang nauwi sa hindi inaasahang sakuna sa bayan ng Midsalip, Zamboanga del Sur nitong Sabado, Marso 21, 2026. Sugatan ang apat na katao, kabilang na ang ilang opisyal ng barangay, nang gumuho ang isang lumang kahoy na bahay na kasalukuyan nilang inililipat.

Bayanihan sa Zamboanga del Sur, nauwi sa hindi inaasahang insidente
Bayanihan sa Zamboanga del Sur, nauwi sa hindi inaasahang insidente (đź“·MSS RHY via GMA Regional TV)
Source: Facebook

Sa ulat, nagtipon-tipon ang mga residente ng Barangay Matalang dakong alas-10 ng umaga upang isagawa ang "bayanihan." Layon nilang ilipat ang isang lumang bahay sa isang bagong lokasyon na ilang metro lamang ang layo. Gayunpaman, ilang hakbang pa lamang ang nagagawa ng mga residente nang biglang tumagilid at tuluyang bumagsak ang istruktura.

Read also

12-anyos na bata sa Koronadal, nakuryente habang nagpapalipad ng saranggola

Ayon kay Councilwoman Genelyn Placido Montealto, nakiusap ang may-ari ng bahay na ilipat ang kanilang tirahan dahil gagamitin na ang lupang kinatitirikan nito. “Ang akung nahibal-an gamitun na ang yuta nga gitukuran sa maong balay mao tung gipabalhin. Duol ra gyud ang balhinan unta,” pahayag ni Montealto.

Sa kasamaang palad, lumabas sa paunang impormasyon na may mga bahagi na pala ng bahay ang marupok o "gabok" na hindi agad napansin ng mga taong nagbubuhat dito. Dagdag pa ni Montealto, “Tapos sa wala namo damha ang panghitabo. Gabuk diay ang balay. Tapos mao to wala gyud siya natabang, nahugno tapos nabali pa gyud ang buntun bitaw, nisamot siya kabali.”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dahil sa bigat ng bahay at bilis ng pangyayari, apat na indibidwal ang kinailangang isugod sa ospital dahil sa seryosong mga pinsala. Kabilang sa mga biktima ang mismong barangay chairman, isang barangay councilman, isang tanod, at isa pang empleyado ng barangay. Ang ibang mga residente naman na tumulong ay nagtamo lamang ng mga gasgas at galos.

Ang tradisyong bayanihan ay isa sa mga pinaka-iconic na kultura ng mga Pilipino, kung saan ang isang komunidad ay nagkakaisa upang buhatin at ilipat ang isang bahay-kubo patungo sa bagong paglalagyan nito. Bagama't bihira na itong makita sa mga urban na lugar, nananatili itong buhay sa mga probinsya bilang simbolo ng pagkakaisa at pagtulong sa kapwa nang walang hinihintay na kapalit.

Read also

Isang pamilya sa Iloilo, nasawi matapos tangayin ng malakas na agos ng ilog

Sa gitna ng mga ganitong balita ng sakuna, hindi pa rin matatawaran ang tapang at malasakit na ipinapakita ng ating mga kababayan sa oras ng pangangailangan.

Sa ibang bahagi ng bansa, marami pa ring kwento ng kabayanihan ang nagbibigay-inspirasyon sa gitna ng mga pagsubok. Isa na rito ang kwento ng isang 15-anyos na binatilyo na hinangaan ng mga netizens dahil sa kanyang ipinakitang katapangan sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Tino. Ang kanyang mabilis na aksyon ay nagligtas ng buhay sa gitna ng banta ng kalamidad.

Dahil sa kanyang hindi matatawarang serbisyo sa kapwa, ang 15-anyos na si Jayboy Magdadaro ay nabiyayaan ng scholarship bilang gantimpala sa kanyang kabayanihan. Ang tulong na ito ay malaking ambag para sa kanyang kinabukasan at nagsisilbing paalala na ang paggawa ng mabuti ay laging may kaakibat na pagpapala. Ang kanyang kwento ay patunay na walang pinipiling edad ang pagiging isang bayani.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate