Isang bride-to-be, pumanaw matapos ang aksidente sa Calamba City

Isang bride-to-be, pumanaw matapos ang aksidente sa Calamba City

  • Nasawi ang isang 27-anyos na teacher na si Crislyn Paro habang sugatan ang kanyang nobyo matapos sumalpok ang kanilang motorsiklo sa isang kotse sa Calamba City noong Sabado ng madaling araw
  • Base sa CCTV at ulat ng pulisya, naganap ang banggaan sa kanto ng JP Rizal Street nang biglang tumawid at mag-swerve ang isang Toyota Wigo habang binabagtas ng magkasintahan ang kalsada
  • Idineklarang wala nang buhay ang titser sa ospital dahil sa matinding pinsalang natamo sa ulo sa kabila ng pagsusuot ng helmet na tumilapon din dahil sa lakas ng impak
  • Nakatakda sanang ikasal ang biktima ngayong darating na Abril 21 kung saan naihanda na niya ang lahat ng gamit at ang venue para sa kanilang espesyal na araw

Isang napakasakit na balita ang gumulantang sa mga residente ng Calamba City, Laguna matapos pumanaw ang isang titser na puno sana ng pangarap para sa kanyang nalalapit na pagpapakasal. Ang biktima na si Crislyn Paro, 27-anyos at titser sa Liceo de Calamba, ay nasawi matapos masangkot sa isang aksidente sa kalsada habang angkas ng motorsiklo ng kanyang nobyo na si Miguel Ocampo.

Read also

Apartment ni Heart Evangelista sa Paris, pinasok ng magnanakaw sa gitna ng Fashion Week

Isang bride-to-be, pumanaw matapos ang aksidente sa Calamba City
Isang bride-to-be, pumanaw matapos ang aksidente sa Calamba City (📷Pexels)
Source: Facebook

Ayon sa pagsisiyasat ni Lt. Col. Dennis De Guzman, hepe ng Calamba Police Station, binabagtas ng magkasintahan ang JP Rizal Street sa Barangay 6 dakong alas-4:31 ng madaling araw nitong Sabado. Sa kuha ng CCTV, makikita ang pagtawid ng isang Toyota Wigo sa interseksyon na nauwi sa isang matinding salpukan. Dahil sa lakas ng banggaan, kapwa tumilapon ang magkasintahan sa konkreto. Bagama't nakasuot ng crash helmet ang dalawa, hindi ito naging sapat dahil sa tindi ng impak na nagresulta sa traumatic brain injury ng titser.

Agad na rumesponde ang Calamba City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) at isinugod ang mga biktima sa Dr. JP Rizal Memorial Hospital. Sa kasamaang palad, idineklarang patay ang titser makalipas ang ilang oras. Ang kanyang nobyo na si Miguel ay kasalukuyan pang nagpapagaling mula sa mga sugat na natamo nito.

Ang mas nakapanlulumo sa kwentong ito ay ang rebelasyon ng kapatid ng biktima. Nakatakda na sanang ikasal si Crislyn sa darating na Abril 21. Ayon sa pamilya, tapos na ang lahat ng paghahanda—mula sa mga gamit hanggang sa venue ng kasal—at ang masayang okasyon na lamang ang kanilang hinihintay. Sa isang iglap, ang dapat sana ay masayang selebrasyon ng pagmamahalan ay nauwi sa matinding pighati.

Read also

raduating student, natagpuang patay sa loob ng inuupahang kwarto sa Cagayan de Oro City

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Kasalukuyan nang nasa kustodya ng mga awtoridad ang 32-anyos na driver ng kotse. Inihahanda na ang mga kaukulang sakdal laban sa kanya para sa mga paglabag na nagresulta sa pagkawala ng buhay at pinsala sa ari-arian. Ang trahedyang ito ay nagsisilbing paalala sa lahat ng mga motorista na maging maingat sa kalsada, lalo na sa mga interseksyon, upang maiwasan ang mga ganitong malalagim na insidente.

Ang pagkamatay ni Crislyn ay isa lamang sa mga serye ng malulungkot na balita tungkol sa mga kabataang nawawalan ng buhay sa hindi inaasahang pagkakataon.

Isang vlogger ang naging laman ng mga balita matapos siyang matagpuang wala nang buhay sa isang malayo at liblib na bahagi ng Tayabas City. Ayon sa mga awtoridad, iniimbestigahan pa ang mga posibleng anggulo sa pagkamatay ng biktima na kilala sa kanyang mga social media posts. Ang pamilya ng biktima ay nananawagan ngayon ng mabilis na hustisya para sa sinapit ng kanilang mahal sa buhay.

Read also

Kris Lawrence, nagbigay ng detalye tungkol sa insidente ng pagnanakaw sa kanyang cp noong 2006

Isang malaking misteryo ang bumabalot sa pagkamatay ng isang graduating student sa loob mismo ng kanyang tinutuluyang boarding house sa CDO. Nadiskubre ang biktima dahil sa masangsang na amoy na nanggagaling sa silid, na naging hudyat para sa mga awtoridad na rumesponde. Isang person of interest na ang tinitingnan ng pulisya na posibleng may kinalaman sa malagim na insidenteng ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate