Pamilya ng lalaki sa viral video sa Bacoor, humingi ng pang-unawa

Pamilya ng lalaki sa viral video sa Bacoor, humingi ng pang-unawa

  • Naglabas ng paglilinaw ang Bacoor Component City Police Station tungkol sa isang lalaking nag-viral matapos pilit na buksan ang pinto ng isang sasakyan sa gitna ng trapiko
  • Kinilala ang lalaki na si Joel Viola Matados na ayon sa kanyang pamilya ay mayroong karamdaman at kasalukuyang pinaghahanap matapos mawala sa kanilang tahanan
  • Ibinahagi ng biktima na si Lorie Sy ang kanyang nakakatakot na karanasan kung saan nanginginig siya sa takot habang pilit na hinahila ng lalaki ang door handle ng kanyang kotse
  • Nanawagan ang mga awtoridad sa publiko na agad ipagbigay-alam kung makikita ang lalaki upang ligtas itong maibalik sa kanyang pamilya sa General Trias, Cavite

Isang nakakabahala ngunit may malalim palang pinag-ugatan na insidente ang nag-viral sa social media matapos ireklamo ng isang babaeng motorista ang isang lalaking pilit na nambubukas ng pinto ng sasakyan sa Bacoor Boulevard.

Pamilya ng lalaki sa viral video sa Bacoor, humingi ng pang-unawa
Pamilya ng lalaki sa viral video sa Bacoor, humingi ng pang-unawa (đź“·Bacoor Component City Police Station/Facebook)
Source: Facebook

Ang biktimang si Lorie Sy ay nagbabala sa publiko matapos ang kanyang nakakatakot na karanasan noong Pebrero 22, kung saan isang hindi kilalang lalaki ang agresibong humila sa door handle ng kanyang kotse habang siya ay nakahinto sa stoplight.

Read also

Meraki, ang viral na pusa sa Cavite, nasa mabuti nang kalagayan matapos ang insidente sa tulay

Sa kanyang post, inilarawan ni Lorie ang matinding kaba na kanyang naramdaman. Aniya, “so this happened this afternoon around 12:30pm along bacoor blvd. at first the man was just walking along the sidewalk when he stopped and stared at my car.” Dagdag pa niya, lalo umanong naging agresibo ang lalaki nang subukan niya itong paalisin. “it just escalated his desire to yank my door open thank god my door was locked,” saad pa ng motorista na inaming nanginginig pa hanggang sa makarating sa kanyang destinasyon.

Gayunpaman, nitong Lunes, Pebrero 23, naglabas ng mahalagang impormasyon ang Bacoor Component City Police Station. Ayon sa pulisya, ang lalaki sa video ay kinilalang si Joel Viola Matados, residente ng Barangay Malabon sa General Trias, Cavite. Lumabas sa imbestigasyon na ang lalaki ay may karamdaman at kasalukuyang hinahanap ng kanyang nag-aalalang pamilya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa pahayag ng pulisya, humingi ng dispensa ang pamilya ni Matados sa takot na naidulot nito sa mga motorista. “Nais po naming ipabatid sa publiko na batay sa impormasyong ibinigay ng kanyang pamilya, ang naturang lalaki ay may karamdaman. Dahil dito, humihingi po ng pang-unawa ang kanyang pamilya sa insidenteng ito,” ayon sa opisyal na post ng himpilan. Hinikayat din nila ang sinumang makakakita sa lalaki na makipag-ugnayan sa kanila upang maibalik ito nang ligtas.

Ang insidenteng ito ay nagsisilbing paalala hindi lamang sa seguridad ng mga motorista kundi pati na rin sa kahalagahan ng pag-unawa sa mga taong may espesyal na pangangailangan o karamdaman na maaaring naliligaw o nangangailangan ng tulong medikal.

Read also

Jennica Garcia, "nag-camping" sa labas ng sariling pintuan dahil sa double lock

Isang kalunos-lunos na krimen ang naganap matapos ang isang lalaking hinihinalang may sakit sa pag-iisip ay paslangin ang sariling ama. Ayon sa ulat, hindi naging maganda ang takbo ng usapan ng dalawa na humantong sa bayolenteng insidente. Agad namang nadakip ng mga awtoridad ang suspek na isinasailalim na ngayon sa pagsusuri.

Isang pasahero ang binawian ng buhay matapos itong biglang saksakin ng isang lalaki sa loob ng isang pampublikong sasakyan sa Nueva Ecija. Ayon sa mga saksi, tila wala sa sarili ang suspek nang isagawa ang krimen. Kinumpirma ng mga awtoridad na ang suspek ay may kasaysayan ng karamdaman sa pag-iisip at kasalukuyan nang nasa kustodiya ng pulisya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate