51-anyos na lalaki, inaresto matapos umanong hipuan ang 7-anyos na babaeng kapitbahay

51-anyos na lalaki, inaresto matapos umanong hipuan ang 7-anyos na babaeng kapitbahay

  • Isang 51-anyos na lalaki ang nakulong matapos akusahan ng panghihipo sa pitong-taong-gulang na kapitbahay sa Marikina
  • Nangyari ang insidente halos dalawang taon na ang nakalipas, ayon sa ulat ng pulisya
  • Nadakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest at hindi na pumalag sa pag-aresto
  • Nahaharap ang akusado sa kasong acts of lasciviousness habang nagpapatuloy ang imbestigasyon

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

cottonbro studio on Pexels
cottonbro studio on Pexels
Source: Original

Nakulong ang isang 51-anyos na lalaki matapos umanong manghipo ng pitong-taong-gulang na babaeng kapitbahay sa Marikina City. Ayon sa ulat ng GMA News Unang Balita nitong Biyernes, nangyari ang insidente halos dalawang taon na ang nakalipas.

Batay sa pahayag ng Marikina City Police, naglalakad noon sa labas ng kanilang bahay ang batang Grade 2 student nang lapitan siya ng suspek. Sinabi ng pulisya na hinipuan umano ang bata at binigyan pa ng P25 matapos ang insidente.

Hindi na pumalag ang suspek nang arestuhin ng mga awtoridad sa bisa ng warrant of arrest. Ayon sa kaniya, inakala raw niyang nagkaroon na ng usapan ang kaniyang pamilya at ang pamilya ng biktima para hindi na umabot sa korte ang kaso. Dagdag pa niya, nagulat na lamang sila nang dumating ang pulis dala ang warrant.

Read also

Bagong silang na sanggol, natagpuan na nakasilid sa isang ecobag

Ikinuwento rin ng suspek na malapit umano siya sa pamilya ng biktima at madalas pa niyang bigyan ng baon ang mga bata sa lugar. Humingi siya ng paumanhin sa bata at umasa na mapapatawad siya sa nagawa.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Patuloy namang sinusubukan ng GMA Integrated News na kunan ng pahayag ang pamilya ng biktima. Samantala, sinabi ng pulisya na mahalaga ang agarang pagsasabi ng mga bata sa kanilang magulang kapag may nangyaring masama sa kanila.

Binigyang-diin ng mga awtoridad na hindi dapat matakot ang mga biktima na magsumbong upang agad na matulungan at maprotektahan.

Sa Pilipinas, kapag hinipuan ang isang menor de edad, karaniwang kaso ang Acts of Lasciviousness sa ilalim ng Revised Penal Code. Ito ay kapag may ginawang mahalay na kilos tulad ng panghihipo, ngunit walang naganap na pakikipagtalik o panggagahasa.

Panuorin ang ulat ng 'Unang Balita' sa GMA Integrated News YouTube channel:

Sa naunang lokal na artikulo a nilathala ng KAMI, isang bagong silang na sanggol na lalaki ang natagpuang iniwan sa bubungan ng isang bahay sa Cagayan de Oro City. Nadiskubre ang sanggol matapos marinig ang kaniyang iyak bandang hatinggabi sa Barangay Canitoan. Dinala agad sa ospital ang sanggol at sinabing nasa maayos na kondisyon na siya. Sinimulan na ng barangay council ang imbestigasyon para matukoy kung sino ang nag-iwan sa sanggol.

Read also

Vlogger at 3 nitong kasama, hinoldap ng 10 lalaki; milyones, natangay

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak nang maraming beses ng sariling asawa. Base sa ulat ni EJ Gomez sa Unang Balita, nagawa ng 38-anyos na suspek ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Sinabi ng pulisya na may security guard ang eskwelahan, pero dahil pamilyar na mukha ang suspek, madali siyang nakapasok at nakalabas. Sabi ng suspek, pumunta siya roon para kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang alitan, pero nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags:
Hot: