Vlogger at 3 nitong kasama, hinoldap ng 10 lalaki; milyones, natangay
- Isang vlogger ng ginto at tatlo niyang kasama ang hinoldap ng 10 armadong lalaki sa Pasay
- Mahigit P6 milyon na halaga ng alahas at pera ang tinangay ng mga suspek
- Ilan sa mga suspek ay napag-alamang SK chairman at kagawad ng isang barangay
- Nahanap ng pulisya ang mga suspek sa isang resort sa Laguna ilang oras matapos ang krimen
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!

Source: Youtube
Isang vlogger na nagbebenta ng ginto at tatlo niyang kasamahan ang nabiktima ng holdapan ng 10 armadong lalaki sa Pasay City.
Ayon sa ulat, mahigit P6 milyon na halaga ng alahas at pera ang nakuha ng mga suspek. Ilan sa kanila ay napag-alamang opisyal pa ng barangay.
Batay sa ulat ni Jhomer Apresto sa Unang Balita, huminto ang dalawang SUV sa Tejeron Street, Barangay 792 sa Santa Ana, Maynila pasado 10 p.m. ng Miyerkoles. Bumaba ang driver at isang lalaki mula sa puting SUV habang may bitbit na mahabang bagay na nakabalot sa tela.
Hindi na sila bumalik matapos ang ilang minuto kaya nagdulot ng trapiko sa lugar.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Dumating ang mga opisyal ng barangay matapos magtaka ang mga residente sa pagkakaharang ng SUV sa kalsada. Ayon sa barangay, nakita ng isang mag-asawa na sumakay ang dalawa sa isang itim na SUV.
Sinabi ni Kagawad Arman Perez na tila takot ang nagkuwento at may nakitang pulang cable tie at tsinelas sa loob ng sasakyan kaya agad silang humingi ng tulong sa pulis.
Kalaunan, dumating ang mga pulis mula sa Manila Police District at Pasay City Police Station. Lumabas sa imbestigasyon na hinijack ang puting SUV sa Pasay kung saan sakay ang apat na biktima, kabilang ang 24-anyos na content creator.
Dalawa sa mga biktima ang nakatakas at agad humingi ng saklolo sa mga awtoridad.
Sa tulong ng GPS ng sasakyan, natunton ang galaw ng SUV hanggang Santa Ana. Nagkaroon ng pagkakataon ang dalawang naiwan sa sasakyan na makatakas nang ililipat sana sila sa ibang sasakyan.
Ilang oras matapos ang insidente, natagpuan ng pulisya ang mga suspek sa isang resort sa Calamba, Laguna. Nadakip ang driver ng itim na SUV at nabawi ang ilang alahas, pera, at isang granada. Ayon sa pulisya, anim sa 10 suspek ay kilala na, kabilang ang dalawang opisyal ng barangay.
Mahaharap ang mga suspek sa iba’t ibang kaso kaugnay ng krimen.
Panuorin ang kabuuan ng ulat na ito sa bidyong ito:
Sa naunang lokal na ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang binaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pagkatapos ay binaril hanggang mamatay ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone ng mga biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV5 Frontline Pilipinas, nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos silang magpahiram ng P1-M sa isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak nang maraming beses ng sariling asawa. Base sa ulat ni EJ Gomez sa Unang Balita, nagawa ng 38-anyos na suspek ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Sinabi ng pulisya na may security guard ang eskwelahan, pero dahil pamilyar na mukha ang suspek, madali siyang nakapasok at nakalabas. Sabi ng suspek, pumunta siya roon para kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang alitan, pero nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

