Vlogger, arestado matapos mag-viral nang manakot na ikakalat ang HIV virus sa Pinas

Vlogger, arestado matapos mag-viral nang manakot na ikakalat ang HIV virus sa Pinas

  • Inaresto ng Bureau of Immigration ang isang Russian vlogger na nag-viral dahil sa banta tungkol sa HIV
  • Nahuli ang 21-anyos na si Nikita Chekhov sa kaniyang condominium sa Quezon City
  • Ayon sa BI, gumagawa umano siya ng rage bait content na nagdulot ng takot sa publiko
  • Isinasailalim na siya sa deportation proceedings habang nasa kustodiya ng ahensya
Bureau of Immigration, Republic of the Philippines on Facebook
Bureau of Immigration, Republic of the Philippines on Facebook
Source: Facebook

Inaresto ng Bureau of Immigration ang isang Russian vlogger na nag-viral sa social media matapos magbanta na magkalat umano ng HIV sa Pilipinas. Kinilala ang vlogger na si Nikita Chekhov, 21 anyos, na nakita sa isang video habang naglalakad sa Bonifacio Global City at nagmumura.

Dahil sa naturang video, mabilis siyang pinagtuunan ng pansin online at inireklamo sa mga awtoridad.

Ayon sa BI, naaresto si Chekhov ng Fugitive Search Unit sa kaniyang tinutuluyang condominium sa Quezon City. Dumating umano siya sa bansa bilang turista noong Enero 15 matapos magmula sa Shanghai, China.

Read also

Government employee na nag-viral matapos manakit ng kapwa motorista, pinapatawag ng LTO

Naniniwala ang ahensya na gumagawa siya ng mga video na sadyang nag-uudyok ng galit at takot para lang makakuha ng atensyon sa internet.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sinabi ng BI na hindi katanggap-tanggap ang ganitong uri ng content dahil nagdudulot ito ng pangamba sa publiko at kawalan ng respeto sa mga Pilipino. Dagdag pa ng ahensya, ang mga dayuhang pumapasok sa bansa para manakot, mang-abuso, o magpakalat ng maling mensahe ay hindi pinapayagang manatili sa Pilipinas.

Nakipag-ugnayan na rin ang BI sa Department of Health kaugnay ng insidente. Sa ngayon, nananatili si Chekhov sa kustodiya ng BI habang inaayos ang kaniyang deportation.

Ang kaniyang pagkakaaresto ay kasunod ng iba pang dayuhang vlogger na na-deport dahil sa hindi maayos na asal at pangha-harass sa publiko.

Basahin ang naisulat na balita ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang mga detalye tungkol sa ulat na ito:

Sa naunang lokal na ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang binaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pagkatapos ay binaril hanggang mamatay ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone ng mga biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV5 Frontline Pilipinas, nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos silang magpahiram ng P1-M sa isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Read also

5 ulo, natagpuang nakatali sa dalampasigan; umano'y mga miyembro ng "vaccine cards

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak nang maraming beses ng sariling asawa. Base sa ulat ni EJ Gomez sa Unang Balita, nagawa ng 38-anyos na suspek ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Sinabi ng pulisya na may security guard ang eskwelahan, pero dahil pamilyar na mukha ang suspek, madali siyang nakapasok at nakalabas. Sabi ng suspek, pumunta siya roon para kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang alitan, pero nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags:
Hot: