Vlogger, inaresto matapos umanong mang-harass ng mga Pinoy; dineklarang 'persona non grata'
- Dinakip ng Bureau of Immigration ang Estonian vlogger na si Siim Roosipuu noong Enero 15 dahil sa reklamo ng pambabastos at ilegal na pag-video sa mga residente ng Dumaguete
- Idineklara ng lokal na pamahalaan ng Negros Oriental ang dayuhan bilang persona non grata o hindi na welcome sa kanilang lugar dahil sa maling pag-uugali nito
- Nagbabala ang BI na hindi palaruan ang bansa para sa mga dayuhang content creator na ginagamit ang mga Pilipino para lamang makakuha ng views at kita
- Humingi na ng paumanhin ang vlogger sa kanyang mga nagawa at kasalukuyan na siyang nakikipagtulungan para sa kanyang mabilis na deportasyon pabalik sa Estonia
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!

Source: Youtube
Arestado ang isang dayuhang vlogger matapos ireklamo ng mga residente sa Negros Oriental. Nakilala ang suspek na si Siim Roosipuu, isang 34-anyos na lalaki mula sa Estonia.
Dinakip siya ng Bureau of Immigration (BI) noong Enero 15 sa tulong ng mga pulis sa Dumaguete.
Inakusahan si Roosipuu ng pambabastos sa mga lokal na residente at pagkuha ng video nang walang pahintulot para sa kanyang YouTube channel.
Nanindigan si BI Commissioner Joel Anthony Viado na hindi palaruan ang Pilipinas para sa mga content creator na nanamantala sa mga Pilipino para lang sa views at kita.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Naglabas ng deklarasyon ang lokal na pamahalaan ng Negros Oriental na hindi na welcome o persona non grata ang dayuhan sa kanilang lugar.
Pinayuhan ng abogado ang vlogger na makipagtulungan na lamang sa proseso ng deportasyon para mabilis na itong makabalik sa kanyang sariling bansa.
Humingi na ng paumanhin ang vlogger at sinabing nag-aaral pa lamang siya sa kanyang trabaho. Ayon kay Roosipuu, wala siyang masamang intensyon at aksidente lamang ang kanyang mga naging pagkakamali.
Sinabi naman ng kanyang abogado na si Rommel Erames na nais na ng kanyang kliyente na umuwi. Ayon sa ulat, may asawang Pilipina ang nasabing dayuhan at wala naman siyang kinakaharap na kasong kriminal sa ngayon.
Dati ng naiulat ng KAMI si Vitaly Zdorovetskiy na na-deport din dahil sa panggugulo sa BGC noong 2025. Kasalukuyang inaayos na ang mga dokumento para sa pagpapaalis kay Roosipuu sa Pilipinas.
Basahin ang naisulat na balita ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang mga detalye tungkol sa ulat na ito:
Sa naunang lokal na ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang binaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pagkatapos ay binaril hanggang mamatay ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone ng mga biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV5 Frontline Pilipinas, nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos silang magpahiram ng P1-M sa isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak nang maraming beses ng sariling asawa. Base sa ulat ni EJ Gomez sa Unang Balita, nagawa ng 38-anyos na suspek ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Sinabi ng pulisya na may security guard ang eskwelahan, pero dahil pamilyar na mukha ang suspek, madali siyang nakapasok at nakalabas. Sabi ng suspek, pumunta siya roon para kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang alitan, pero nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

