Ilang kabahayan, kasama ang isang karinderya, inararo ng truck sa Antipolo

Ilang kabahayan, kasama ang isang karinderya, inararo ng truck sa Antipolo

  • Isang 10-wheeler truck ang sumalpok sa mga bahay at isang carinderia sa Antipolo City
  • Nangyari ang aksidente sa Sumulong Highway, Barangay Mambugan noong Linggo ng hapon
  • Walang naiulat na nasaktan kahit malaki ang pinsala sa lugar
  • Patuloy na hinahanap ng pulisya ang driver at pahinante na tumakas matapos ang insidente

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

DZBB Super Radyo on X
DZBB Super Radyo on X
Source: Youtube

Isang 10-wheeler truck ang bumangga sa ilang bahay at isang carinderia sa Antipolo City noong Linggo ng hapon.

Nangyari ang insidente sa Sumulong Highway sa Barangay Mambugan.

Ayon sa may-ari ng carinderia na si Abelyn Caspe, kakasara lang niya ng kainan at kakatawid pa lang ng kalsada nang makarinig siya ng malakas na putok.

Paglingon niya, nakita na niyang bumangga ang truck sa kanyang carinderia.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nayupi ang harap ng truck at nabasag ang windshield nito.

Nasira rin ang mga gulong sa unahan. Tumapon sa kalsada ang kargang lupa ng sasakyan.

Malubha ang pinsala sa carinderia at sa ilang kalapit na bahay.

Read also

Male singer, namatay sa plane crash ilang oras lang bago ang kanyang concert

Tinamaan din ang isang poste ng kuryente kaya naapektuhan ang mga linya ng kuryente sa lugar.

Sa kabila nito, wala namang nasaktan sa nangyari.

Ayon sa mga saksi at sa barangay, nakikaghabulan umano ang 10-wheeler truck sa isa pang truck bago mawalan ng kontrol ang sasakyan.

Pagkatapos ng banggaan, tumalon ang driver at pahinante mula sa truck.

Sumakay umano sila sa kasamang truck at mabilis na umalis sa lugar.

Bandang alas-sais ng gabi ng Linggo nang dumating ang kinatawan ng may-ari ng truck.

Sinabi nito na hindi nila makontak ang driver at pahinante.

Nalaman lamang daw nila ang insidente sa pamamagitan ng social media.

Galing Pampanga ang truck at naghatid ng buhangin sa Maynila.

Matapos ang delivery, pumunta ito sa Antipolo City para kumuha ng lupang panambak na dadalhin sana sa Bulacan.

Ayon sa kinatawan ng may-ari, sasagutin nila ang gastos at pananagutan sa mga nasirang ari-arian.

Patuloy pa ring hinahanap ng pulisya ang driver at pahinante.

Panuorin ang ulat ni EJ Gomez sa 'Unang Balita' ng GMA Integrated News:

Read also

Lalaki, inaresto dahil umano sa pagpatay sa kaniyang bilas

Sa naunang lokal na ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang binaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pagkatapos ay binaril hanggang mamatay ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone ng mga biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV5 Frontline Pilipinas, nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos silang magpahiram ng P1-M sa isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak nang maraming beses ng sariling asawa. Base sa ulat ni EJ Gomez sa Unang Balita, nagawa ng 38-anyos na suspek ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Sinabi ng pulisya na may security guard ang eskwelahan, pero dahil pamilyar na mukha ang suspek, madali siyang nakapasok at nakalabas. Sabi ng suspek, pumunta siya roon para kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang alitan, pero nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: