Lalaki, inaresto dahil umano sa pagpatay sa kaniyang bilas
- Isang 48-anyos na lalaki ang inaresto sa Rodriguez, Rizal kaugnay ng kasong pagpatay noong 2022
- Ayon sa pulisya, ang biktima ay bilas ng suspek at nasawi sa pamamaril
- Mariing itinanggi ng akusado ang paratang at sinabing wala siyang kinalaman sa krimen
- Kasalukuyang nakakulong ang lalaki habang hinihintay ang susunod na proseso ng kaso
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!

Source: Original
Nakulong ang isang 48-anyos na lalaki sa Rodriguez, Rizal matapos siyang arestuhin kaugnay ng pagpatay umano sa kanyang bilas noong 2022.
Ayon sa mga awtoridad, sinilbihan siya ng arrest warrant nitong Lunes para sa kasong murder.
Batay sa ulat sa Unang Balita, nangyari ang insidente sa Barangay San Isidro noong Enero 2022. Ayon sa pulisya, nagkaroon umano ng alitan ang magbilas na humantong sa pamamaril.
Ikinuwento ng imbestigador na si Police Master Sergeant Adrian Deo na gumagawa umano ng tricycle ang biktima nang bigla itong barilin.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Matapos ang insidente, sinasabing umalis at nagtago ang suspek.
Mariing itinanggi ng akusado na may kinalaman siya sa krimen.
Si alyas Rom, na isang truck driver, ay nagsabing nagpapagawa umano siya ng kanyang motorsiklo nang mangyari ang pamamaril.
Aniya, nakarinig siya ng dalawang putok ng baril at nalaman na sa ulo tinamaan ang kanyang bilas.
Ayon pa sa kanya, wala silang alitan ng biktima at hindi niya alam kung sino ang responsable sa pamamaril.
Dagdag niya, may galit umano sa kanya ang biktima dahil sa hinalang konektado siya sa mga pulis.
Pinabulaanan din ng akusado ang paratang na nagtago siya matapos ang insidente.
Paliwanag niya, lumipat lamang sila ng tirahan dahil ibinenta ang bahay na kanilang inuupahan.
Sinabi rin niyang kusa siyang sumuko nang malaman niyang may warrant of arrest laban sa kanya.
Sa ngayon, nakakulong ang akusado sa custodial facility ng Rodriguez Police habang nagpapatuloy ang imbestigasyon at mga susunod na hakbang sa kaso.
Panuorin ang ulat ni EJ Gomez sa 'Unang Balita' sa bidyong ito:
Sa naunang lokal na ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang binaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pagkatapos ay binaril hanggang mamatay ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone ng mga biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV5 Frontline Pilipinas, nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos silang magpahiram ng P1-M sa isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak nang maraming beses ng sariling asawa. Base sa ulat ni EJ Gomez sa Unang Balita, nagawa ng 38-anyos na suspek ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Sinabi ng pulisya na may security guard ang eskwelahan, pero dahil pamilyar na mukha ang suspek, madali siyang nakapasok at nakalabas. Sabi ng suspek, pumunta siya roon para kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang alitan, pero nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

