LTO, nag-issue ng subpoena laban sa SUV driver na sangkot sa Cavite road rage

LTO, nag-issue ng subpoena laban sa SUV driver na sangkot sa Cavite road rage

  • Naglabas ang LTO ng show cause order at subpoena kaugnay sa viral road rage sa Cavite
  • Sangkot sa insidente ang isang SUV at isang pampasaherong bus
  • Sinuspinde ng LTO ang lisensya ng SUV driver habang iniimbestigahan ang kaso
  • Pinatawag din ang bus driver at may-ari nito para magpaliwanag

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

BRABO News on Facebook
BRABO News on Facebook
Source: Facebook

Naglabas ang Land Transportation Office ng show cause order at subpoena laban sa driver ng isang SUV at isang pampasaherong bus na sangkot sa viral road rage incident sa Cavite.

Lumabas ito matapos kumalat sa social media ang video ng insidente.

Makikita sa video ang isang Ford Everest na humarang sa isang bus na patungong Lian, Batangas sa gitna ng kalsada.

Bumaba ang driver ng SUV at pasigaw na hiningi ang lisensya ng bus driver. Habang sinusubukang pakalmahin ng babaeng sakay ang lalaki, patuloy siyang nagmumura at sinira pa ang windshield wiper ng bus.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ayon sa datos ng LTO na inilabas noong Enero 6, huling nairehistro ang SUV noong Hulyo 7, 2024.

Read also

Dalawa patay, anim sugatan sa truck na nawalan ng preno at umararo ng mga bahay sa Siniloan

Dahil dito, ipinatawag ng LTO chief na si Assistant Secretary Markus V. Lacanilao ang driver ng SUV at ang rehistradong may-ari nito sa LTO-Intelligence and Investigation Division sa Quezon City sa Enero 14, alas-10 ng umaga.

Sa naturang pagdinig, kailangan ipaliwanag ng SUV driver kung bakit hindi siya dapat kasuhan ng reckless driving.

Hihingan din siya ng paliwanag kung bakit hindi dapat suspindihin o tuluyang bawiin ang kanyang lisensya dahil sa pagiging hindi angkop na magmaneho.

Habang isinasagawa ang imbestigasyon, isinailalim sa 90-araw na preventive suspension ang lisensya ng SUV driver.

Inutusan din siyang isuko ang kanyang lisensya bago ang itinakdang pagdinig.

Samantala, isinailalim sa alarm ang Ford Everest, na nangangahulugang bawal muna ang anumang transaksyon kaugnay ng sasakyan.

Kinasuhan din ang may-ari ng SUV dahil sa paglabag sa compulsory registration ng sasakyan.

Pinadalhan din ng subpoena ang driver at rehistradong may-ari ng bus. Inatasan silang humarap sa LTO headquarters sa Enero 14 at magsumite ng paliwanag kasama ang kanilang mga lisensya at dokumento ng bus.

Nagbabala ang LTO na ang hindi pagdalo sa pagdinig ay ituturing na pagsuko sa karapatang magpaliwanag.

Read also

Ulo ng bagong silang na sanggol natagpuan sa barangay sa Minglanilla, Cebu

Sa ganitong kaso, pagbabatayan na lamang ang mga ebidensyang nakalap.

Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: