11-anyos, naputulan ng 4 na daliri matapos pumutok ang napulot na paputok
- Isang 11-anyos na lalaki sa Lingayen, Pangasinan ang naputulan ng apat na daliri matapos sumabog ang napulot na paputok
- Ayon sa DOH–Ilocos Region, 170 'firecracker-related injuries' ang naitala mula December 21 hanggang January 1, karamihan ay mga bata
- Tumaas ang bilang ng ginamot na biktima ng paputok sa Region 1 Medical Center kumpara noong nakaraang taon
- Pinayuhan ang mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak at iwasan ang pamumulot ng hindi sumabog na paputok
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Isang masayang salubong sana sa Bagong Taon ang nauwi sa trahedya para sa isang 11-anyos na lalaki sa Lingayen, Pangasinan matapos sumabog sa kaniyang kamay ang isang napulot na paputok.

Source: UGC
Dahil sa tindi ng pinsala, naputulan ng apat na daliri ang bata sa kanang kamay.
Sa ulat ni Sendee Salvacio sa GMA Regional TV One North Central Luzon, agad na dinala ang biktima sa Region 1 Medical Center sa Dagupan City kung saan isinagawa ang kinakailangang operasyon.
Ayon sa ina ng bata, nagpaalam lamang ang kaniyang anak na lalabas kasama ang mga kaibigan bago mangyari ang aksidente.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
“Nagulat po ako, talagang umakyat lahat ng dugo na halos matumba ako kasi noong binalita nila yung nangyari,” saad ng ina.
Batay sa datos ng R1MC, umabot na sa 45 ang mga ginamot nilang biktima ng paputok ngayong taon. Mas mataas ito kumpara sa 29 na naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon.
“From 29 kahapon, 45 na ngayon, so may increase of 16 patients,” ayon kay Dr. Maria Camila Rosario.
Dagdag pa ni Rosario, karaniwang dumarating sa ospital ang mga biktima mula Enero 1 hanggang Enero 3.
“Yung mga pasyente na pumupunta dito sa hospital usually January 1 to 3. Hopefully wala na sanang dumating,” dagdag niya.
Sa tala ng mga pagamutan sa Pangasinan, 16 sa mga nasugatan ay aktibong nagpapaputok, habang 29 naman ang itinuturing na passive victims.
Dahil dito, mariing paalala ng mga doktor sa mga magulang na gabayan ang kanilang mga anak.
“So kawawa itong mga batang ito. Sana sabihan yung mga anak nila na ‘wag pulutin yung mga paputok na hindi pumutok para at least hindi sila madalo,” payo ni Rosario.
Ayon sa Department of Health–Ilocos Region, karamihan sa 170 biktima ng paputok sa rehiyon ay mga batang may edad 10 hanggang 14, dahilan upang muling manawagan ng mas mahigpit na pagbabantay sa mga kabataan tuwing selebrasyon.
In a separate development, authorities recovered a disturbing package containing live .45-caliber bullets at a home in Barangay 5-D. The ammunition was reportedly marked with the names of three local government volunteers along with an explicit death threat. Members of the audit team, Ernie Empemano and Rene Amorao, believe the intimidation is connected to their ongoing review of major infrastructure projects approved under the city’s former administration. Despite the apparent effort to frighten them, the volunteers said they remain committed to their work, stressing that calls for transparency should only trouble those with something to hide. Police Lieutenant Colonel Redentor Tiraña, together with the San Pablo City Police, has launched an investigation to determine who sent the threatening items.
Meanwhile, a separate incident caused widespread disruption in Davao City on Christmas morning when a man climbed a utility pole and walked along high-risk electrical lines in Barangay Ilang. To allow rescuers to safely reach him, Davao Light and Power Co. temporarily shut down its 69kV transmission lines, leaving several areas from Tibungco to Panacan without electricity for hours. The man was eventually brought down safely through the joint efforts of the Bureau of Fire Protection and local police. Authorities later disclosed that he was experiencing drug-induced hallucinations and believed he was fleeing from someone who was not actually there. Power was restored by early afternoon, but officials said the man will face charges for alarm and scandal due to the disturbance caused by the incident.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh


