5-anyos na batang babae natagpuang patay at nakabalot sa sako sa Tanauan, Batangas

5-anyos na batang babae natagpuang patay at nakabalot sa sako sa Tanauan, Batangas

  • Isang limang taong gulang na bata ang natagpuang patay at walang saplot malapit sa isang creek
  • May sugat sa leeg ang biktima at hinihinalang ginahasa bago pinaslang
  • Isang kapitbahay ang naaresto matapos umanong ipatawag ang bata sa kanilang bahay
  • Isa pang lalaki ang dinakip matapos ituro bilang responsable sa krimen

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Isang malagim na krimen ang yumanig sa Tanauan, Batangas matapos matagpuan ang bangkay ng isang limang taong gulang na batang babae na walang saplot at nakabalot sa isang sako malapit sa creek sa Barangay Maugat.

Photo: Pixabay
Photo: Pixabay
Source: UGC

Batay sa ulat ng "Unang Balita" nitong Biyernes, nadiskubre ang katawan ng bata na may laslas sa leeg.

Ayon sa mga awtoridad, may indikasyon na ginahasa muna ang biktima bago ito pinatay, dahilan upang lalong tumindi ang galit at lungkot ng komunidad.

Lumabas sa paunang imbestigasyon na isang lalaking kapitbahay ang umano’y nag-utos sa sariling anak na yayain ang biktima upang maglaro sa kanilang bahay.

Read also

Aktwal na sitwasyon ni Sarah Discaya sa loob ng selda sa NBI Detention Facility, ipinasilip

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Doon umano nagsimula ang mga pangyayari na nauwi sa karumal-dumal na krimen.

Ayon sa ina ng bata, hindi niya namalayan na nakalabas ng bahay ang kanyang anak.

Nang mapansin ang pagkawala nito, agad umano silang naghanap sa iba’t ibang lugar sa kanilang barangay at mga karatig na lugar.

Gayunman, kinabukasan na natagpuan ang bata, wala nang buhay at iniwan malapit sa creek.

Mabilis na nagsagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkakaaresto sa kapitbahay ng biktima.

Sa isinagawang interogasyon, itinuro umano nito ang isa pang lalaki bilang responsable sa panggagahasa at pagpatay sa bata, na agad ding dinakip ng pulisya.

Hindi nagbigay ng pahayag ang dalawang naarestong suspek. Samantala, nananawagan ng hustisya ang pamilya ng biktima at umaasang mananagot ang mga responsable sa sinapit ng kanilang anak.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng pulisya upang matiyak ang buong detalye ng krimen.

Palaging pinag-iingat ang mga magulang, lalo na sa may mga anak na babae na huwag sila ipagkatiwala kani-kanino lamang. Ito ay proteksyon na rin para sa mga anak.

Read also

Dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral, natagpuang walang malay sa ilalim ng Kennon Road

Ayon sa isang naunang ulat ng KAMI, iniimbestigahan ng Bureau of Customs (BOC) ang humigit-kumulang 40 luxury cars na nauugnay sa pamilya ni Sarah Discaya. Ang hakbang ay dumating matapos mag-viral ang isang panayam kung saan ipinakita ni Discaya ang kanilang koleksyon ng mga mamahaling sasakyan. Susuriin ng BOC kung sino ang nakalista bilang consignee ng mga kotse upang matukoy kung may paglabag sa proseso ng pag-aangkat. Naiuugnay din si Discaya sa ilang kontratista na sangkot sa mga proyekto sa flood control na kasalukuyang iniimbestigahan ng Senado. Kamakailan, lumabas din ang balita tungkol sa pagpanaw ng dating Undersecretary ng DPWH na si Catalina Cabral.

Samantala, kamakailan ay nag-post si Korina Sanchez-Roxas sa kanyang Instagram account. Makikita sa larawan na nakapose siya sa harap ng isang marangyang palasyo habang bumibisita sa Disneyland. Gayunpaman, biro niyang binanggit ang kontrobersya na kinasasangkutan niya. Sa pambungad na linya ng kanyang caption, isinulat niya ang "My P10 Million Palace," na tila tumutukoy sa mga alegasyon na dati nang inihain laban sa kanya ni Mayor Vico Sotto.

Read also

Fans ni Andrea Brillantes, nag-alala nang ma-ospital muli ang aktres

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Stacy dela Fuente avatar

Stacy dela Fuente (Editor)