Batang tupa sa General Santos City, nagpositibo sa rabies
- Isang tupa sa General Santos City ang hindi inaasahang nagpositibo sa rabies
- Ayon sa datos ng lalawigan, ito raw ang unang kaso ng rabies sa tupa sa lugar
- Ilang tupa pa ang namatay matapos mahawa, ayon sa ulat ng GMA Regional TV
- Samantalaa, ang mga kinauukulan ay nagkaroon ng rabies shots at blood testing na isinagawa
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!

Source: Youtube
Nakumpirma na may rabies ang isang tupa sa General Santos City.
Sa video mula sa GMA Regional TV na iniulat sa 'Unang Balita,' makikita ang tupa na nakatali at kumikilos nang agresibo.
Ayon sa ulat, bahagi ito ng ilang tupa na pinaniniwalaang nahawa mula sa isang tupa na unang nagpositibo noong Nobyembre 26.
Ito raw ang kauna-unahang kaso ng rabies sa tupa sa lugar, ayon sa Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory 12.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Matapos ang unang kaso, ilan pang tupa ang naiulat na namatay.
Paliwanag ng city veterinarian, posibleng nakagat ng ligaw na aso ang tupa na nagpositibo.
Dahil dito, agad silang kumuha ng blood samples mula sa iba pang tupa para masuri at matiyak na walang karagdagang mahahawa.
Para maiwasan ang pagkalat, nagsagawa na rin ang mga awtoridad ng rabies vaccination sa lugar.
Posible na magka-rabies ang mga tupa dahil lahat ng warm-blooded mammals ay puwedeng mahawa kapag nakagat o nalawayan ng hayop na may rabies.
Bagama’t mas bihira ito kumpara sa mga aso at pusa na karaniwang nagkaka-rabies, nagkakaroon pa rin ng kaso lalo na kung may ligaw na hayop sa paligid at hindi bakunado ang mga alagang tupa.
Kapag nahawa, mabilis kumalat ang virus at halos palaging nakamamatay kung hindi agad maagapan, kaya mahalaga ang bakuna at agarang pag-report kapag may napansing kakaibang kilos sa hayop.
Panuorin ang bidyo ng 'Unang Balita' sa GMA Integrated News via GMA Regional TV:
Sa naunang lokal na ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang binaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pagkatapos ay binaril hanggang mamatay ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone ng mga biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV5 Frontline Pilipinas, nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos silang magpahiram ng P1-M sa isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak nang maraming beses ng sariling asawa. Base sa ulat ni EJ Gomez sa Unang Balita, nagawa ng 38-anyos na suspek ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Sinabi ng pulisya na may security guard ang eskwelahan, pero dahil pamilyar na mukha ang suspek, madali siyang nakapasok at nakalabas. Sabi ng suspek, pumunta siya roon para kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang alitan, pero nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

