Umano'y suspek sa 2 kaso ng pamamaril, todas din matapos pagbabarilin

Umano'y suspek sa 2 kaso ng pamamaril, todas din matapos pagbabarilin

  • Isang lalaki na sangkot umano sa dalawang pamamaril ang napatay matapos siyang barilin sa Tondo, Maynila
  • Ang biktima ay natagpuang duguan sa Esmeralda Street at dinala sa ospital pero dead on arrival
  • Ayon sa barangay, nagpunta pa ang biktima sa bahay ng gunman bago ang pamamaril
  • Sa kabilang banda, ang pulisya naman ay nagsasagawa ng hot pursuit para mahuli ang gunman
Mark D'aiuto on Pexels
Mark D'aiuto on Pexels
Source: Original

Patay ang isang lalaki na sinasabing sangkot sa dalawang insidente ng pamamaril matapos siyang pagbabarilin sa Barangay 38 sa Tondo, Maynila.

Sa ulat ni Jhomer Apresto sa Unang Balita, sinabi na natagpuan ng mga awtoridad ang lalaki na duguan at nakahandusay sa Esmeralda Street pasado hatinggabi nitong Lunes.

Ayon sa barangay, dumating ang biktimang si alyas Allen sa lugar at sinalubong daw ng gunman bago siya pinaputukan.

Nag-iikot noon ang ilang tauhan ng barangay at nakarinig sila ng sunod-sunod na putok.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dinala sa ospital ang biktima pero dead on arrival. Nadiskubre ng barangay na residente pa pala ng Bulacan ang lalaki at bumisita lang umano sa bahay ng gunman.

Read also

Lalaki sa Bataan, nasawi matapos ang alitan dahil umano sa ₱150 utang

Hindi pa malinaw kung ano ang pakay niya roon.

Lumabas pa sa imbestigasyon na suspek ang biktima sa dalawang pamamaril sa Maynila.

Kinumpirma ito ng ina ng biktima. Ayon sa kanya, nagtatago ang anak dahil sa isang insidente noong Oktubre 15 na inamin nito dahil umano kinuha ang kanyang motor.

Hindi naman alam ng ina kung bakit pumunta ang anak sa bahay ng gunman.

Magkakosa noon ang dalawa sa kulungan, at kalalaya lang ng biktima noong Agosto matapos makulong dahil sa pagdadala ng hindi lisensiyadong baril.

Ayon sa ulat, sinubukan ng GMA Integrated News puntahan ang bahay ng kinakasama ng gunman pero walang humarap.

Patuloy ang hot pursuit operation ng pulisya para mahuli ang salarin.

Panuorin ang ulat sa bidyong ito ng GMA Integrated News sa YouTube, 'Unang Balita':

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Read also

Tatlong binatilyo, sugatan matapos saksakin ng suspek na umano'y nakainom

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags:
Hot: